LEGEND OF THE BLUE SEA
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY
REPOST STORYSi Miguel ay isang lalakIng niloko ng kasintahan. Sobra niya itong dinibdib lalo na at first love niya ito. At umabot pa sa limang taon ang relasyon nilang dalawa. Pero ngayon balewala na ang lahat ng KAnilang mga pinagsamahan. Dahil ang puso nito ay hindi maiiwasang mag mahal na ng iba. Kapag nakatagpo ng bagong pag ibig o mamahalin..
Dalawang buwan na mula ng nagkahiwalay silang dalawa at dalawang buwan na rin halos lunurin ni Miguel, ang sarili sa alak gusto. Nais niyang malasing ang puso niya para makalimot ito kahit isang segundo lang. Ganun kasakit ang dulot ng hiwalayan na naganap sa kaniyang huling kasintahan.
"Bakit! Bakit hindi nalalasing ang puso! Bakit! Gusto kong makalimot hindi lang sa isip pati sa puso! Aahhh!" Sigaw ni Miguel. Habang pasuray suray ito naglalakad sa gitna ng tulay na may asul na karagatan sa ilalim nito.
"Mabuti pang wakasan ko na ang buhay ko! Kung hindi siya para sa akin? Ano pa saysay ng buhay ko! Mabuti pang mawala na sa mundo kesa mabuhay ng may sugatang puso." Umiiyak na sabi ni Miguel.
Habang nasa tulay at tila nagtatangkang tumalon sa asul na karagatan.
"Magpapatangay na lang ako sa agos tutal wala ng direksyon ang buhay ko! Wala na! Hindi na ako sasaya pa kailanman." Lumuluhang sabi muli ni Miguel.
At agad na nga siyang tumalon sa tulay at balak niyang magpakalunod tutal para na rin namang nalunod ang puso niya. Dahil hindi na ito maka ahon pa sa pagkabigo.
At sa pagtalon nga niya hindi na nga siya lumangoy pa hinayaan niyang lamunin siya ng asul na karagatan sa ilalim ng tulay. Hanggang sa kailaliman nito at tuluyang mamatay.
At ramdam na niya ng mga sandaling iyon na napupuno na ng tubig ang kaniyang katawan. At nahihirapan na siyang huminga at ilang sandali na lamang magwawakas na ang kaniyang buhay.
Ng biglang..
Isang nilalang ang nakita niya sa ilalim ng tubig mahaba ang buhok nito at natatakpan bahagya ang mukha niya. pero mukhang alam na niya kung ano ito?
Nakita niya kasi ang katawan nito na kalahati ay buntot ng isda. At may hubog ng katawan tulad ng isang babae.
"Sirena..... Totoo sila?" Nasabi na lamang ni Miguel sa kaniyang isipam habang nalulunod.
Pero ng mga sandaling iyon kakapusin na siya ng hininga kaya naman binilisan ng Sirena ang pagtungo kay Miguel upang masagip niya ito. At sa unang pagkakataon nakakita siya ng mukha ng Sirena at doon niya napansin sa malapitan na may buhok pa ito sa kili kili na labis niyang ikinabigla dagdagan pa ng mukha nito na animoy mandirigma.
"Anak ng HITO! BAKLANG SIRENA!!" Nasabi na lamang ni Miguel sa kaniyang isipan dala ng pagkabigla.
At bigla na lamang siya nagkaroon ng lakas para lumangoy paahon sa tubig at agad siyang humingi ng saklolo.
"Saklolo! Joke lang iyon gusto ko pa mabuhay!" SigAw ni Miguel.
Pero huli na ang lahat tuluyan na siyang tinangay ng Baklang Sirena at dinala sa kanilang Bonggang kaharian sa kailalim laliman ng asul na karagatanm kung nasaan naroon pa ang mga ibang bonggang mga baklang Sirena.
THE END.