BRGY. LAMAY
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Sa isang parte ng Siyudad sa isang medyo may kalakihang baranggay.
Binansagan itong Baranggay Lamay! Kahit hindi naman ito ang tunay na pangalan ng baranggay nila.
Nabansagan itong baranggay lamay, dahil madalas may mga lamay sa Baranggay na ito. Tila ba linggo linggo may namamatay sa baranggay na iyon.
At ang pagkamatay nila ay pare pareho lamang. At Ito ay sadyang nakakapangilabot kung iisipin.
Dahil ang mga taong namamatay sa baranggay na iyon na natatagpuan na lamang nakahandusay sa lansangan.
Ay pawang wakwak ang mga tiyan at wala na ang mga laman loob nito. Kaya hindi rin maalis sa isipan nila na baka aswang ang may kagagawan ng pagkakapaslang ng mga naninirahan sa baranggay na iyon.
Na binansagan na ngang Baranggay lamay dahil sa mga pagpaslang na patuloy lamang na nagaganap na dahilan sa hindi matapos na lamay sa baranggay na iyon.
"Kapitan... Kailangan na natin humingi ng Reinforcement sa mga pulis.. Para sa seguridad ng mga tao na nasasakupan natin" Sabi ni Nilo isang tanod.
"Ginagawa ko na nga iyon.. Magpapadala sila rito ng ilang mga pulis. Para samahan ang mga tanod sa pag roronda sa baranggay." Sabi ni Egay ang kapitan ng BAranggay na iyon na binansagan na lamang na Baranggay Lamay.
"Aswang... Aswang ang sino mang pumapatay sa mga tao rito." Sabat ng isang tanod sa kanilang pag uusap at ito ay si Eddie.
"Aswang..... Walang aswang... Isang serial killer ang gumagawa nito." Agad na sabi ni Kapitan Egay.
"Aswang man o serial killer! Kahit malign0! Dapat na natin lutasin ito! Dahil nakakainis lang dahil tinatawag na ang Baranggay natin. Na Baranggay lamay at nakakahiya iyon para sa buong baranggay." Sabi ni Nilo.
Agad naman inasikaso ng may ari ng Morgue na si Vince at ang dalawang assistant niya ang katawan ng kaawa awang musmos na batang babae.
Na pinakabagong biktima na hinihinalang biktima ng serial killer o aswang dahil sa wala na itong laman loob.
Bukod sa batang babae, na pinakabagong biktima, may dalawang pang bangkay ng lalaki roon na nasa hustong edad, na handa ng ilagay sa kabaong.
Biktima rin ito ng hindi pa matukoy na mamaslang sa Baranggay na binansagan ng baranggay lamay.
Naelbalsamo na ito at tinahi na ang wakwak na tiyan nito bago ilagay sa kabaong na pipilin ng mga kaanak nito.
"Naalala ko ang dalawang lalaking iyan, sila iyong biktima noong mga nakaraang lamang." Sabi ni Nilo.
"Oo tama ka... Sila ang dalawang iyan.. Ngayon pa lang kasi nabatid ng kamag anakan nila sa probinsya ang sinapit nila kaya nanatili pa sila rito.. Pero mamayang gabi mag tutungo na rito ang mga kaanak nila para mabigyan ito ng maayos ng libing." Sabi ni Vince.
"Ganoon ba.. Ibig sabihin marahil iuwi pa sa probinsya ang mga bangkay nila.." Sabi ni Nilo.
"Ganoon na nga.. Mas mainan para mabawasan kahit paano ang lamay sa baranggay ninyo.." Sabi ni Vince.
"Sige na kayo na bahala sa mga bangkay... Mauna na po ako... Kailangan pa ako sa baranggay." Sabi ni Nilo bilang pag papaalam kay Vince na may ari ng Funeral Parlor.
Bandang hapon na ng makabalik si Nilo sa Baranggay Hall.
At naroon na ang sampong pulis, bilang request reinforcement nila sa pag rorondang gagawin nila gabi gabi sa Baranggay Lamay..