HALO HALOOWEEN
AUTHOR WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Paano kung may nabubuong pagsalakay sa araw ng Halloween?
Pagsalakay ng hindi mga tao? Kundi ng mga nilalang na halos hindi pinaniniwalaan ng karamihan?
Handa na ba sila sa isang gabi ng Lagim?"Ano na naman ba yang pinapanood ninyo?" Tanong ni Xander sa kanyang apat na kaibigan na sila Angie, Faye, Joros, at Nick.
"Ano pa nga ba eehh di horror!' May mata ka naman hindi mo ba nakikita!" Agad na sabi ni Nick.
"Grabe naman nagtatanong lang at saka pamamahay ko kaya ito! Basta basta na lang kayo nangingialam sa mga kagamitan ko rito." Sabi ni Xander.
"Iiyak na niyan? Hehehe!" Pang aasar pa ni Joros.
"Hoy tama na nga yan! Nakakahiya kay Xander.' Sabi ni Angie.
"Kayo talaga! Magsitigil nga kayo " Sabi rin ni Faye.
"Ayos lang ako, ganyan naman sila nuon pa." Sabi ni Xander.
Ar nagpatuloy na nga sila manuod ng Horror movie about sa mga aswang.
"Hahaha! Ang oa talaga pag gawang pinoy ibang ibang sa hollywood!" Sabi ni Nick.
"Tinitipid yung Budget eehh.. Wala tayo magagawa." Sabi ni Joros.
"Atlis may nagagawa pa rin movie." Sabi ni Xander.
"Pero aswang? Kalokohan iyan! Pero kung totoo man sila sana may sexy na manananggal! Hahaha!" Sabi muli ni Nick.
"Sexy na manananggal? Kamanyakan pa rin iniisip mo? Aswang na nga eehh." Sabi ni Angie.
"Huwag mo na patulan.." Sabi ni Angie.
"Pero paano kung totoo? Nakahanda na ba tayo? Sa mga aswang at mga engkanto at laman lupa? Sabi ni Xander.
Matapos magsalita ni Xander nagtawanan si Nick at Joros."Aswang? Walang aswang ! Ay meron nang aaswang ng asawa! Engkanto? Engtambay lang ang meron sa amin sa kanto! Hahaha!" Natatawang sabi ni Joros.
"At laman lupa? Pataba ba yun halaman? Hahaha!" Sabi pa ni Nick."Hay ewan! Ang gulo ninyo kausap." Sabi na lamang ni Xander.
"Sabi ko naman sayo eehh huwag mo lang pansinin may mga sayad ang mga kaibigan natin na iyan" sabi ni Angie.
"Manood na lang tayo huwag mo na silang intindihin pa." Sabi rin ni Faye.
At matapos nilang manuod inilipat na ito ni Xander sa telibisyon at nanood na lamang ng balita habang nagkukulitan pa rin si Nick at Joros.
Hanggang sa isang Breaking News ang gumimbal sa kanila, dahil tila isang tao ang bumagsak mula sa itaas na wakwak na ang katawan.
Walang makapagsasabi kung sino o ano ang gumawa nito dahil bigla na naman daw bumagsak ito na animoy mula sa kalangitan.
At maliban roon may natagpuan rin na isang babae na may kagat sa Leeg lumalabas pa ang sariwang dugo nito mula sa kanyang Leeg na animoy kagat ng isang Hayop.
"Grabe naman yan? Adik siguro gumawa ng mga iyan!' Sabi agad ni Faye.
"Adik agad? Baka naman mga natukhang yan? Mga adik ang namatay! "Sabi ni Joros.
"Hahaha! Tama ka diyan!" Pag sangayon ni Nick.
Sa mga lumipas pang araw nagpatuloy ang mga insendent iyon. May mga bata, matanda,.Buntis, walang pinipiling bikitima ang misteryosong pumapatay, o mga pumapatay?
Kaya naman ang mga kapulisan sa siyudad ay nagdagdag ng sekyuridad sa siyudad dahil doon talamak ang pagkamatay ng mga tao sa brutal na paraan.
"Nakakakaba na sa lugar natin? Hindi na Safe at hindi na biro ang kabikabilang patayan.'" Sabi ni Angie.