GHOST STORIES
AUTHOR WILLY VERANO
ONE SHOT STORY
REPOST STORYMay Apat na mag kakaibigan at Hobby nila mag kwento ng katatakutan since nung high school pa. at kahit ngayon NA work na sila at nakapag tapos na. At kapag silang apat ay may Free time ay paminsan minsan ginagawa pa rin nila ito.
"Ano na nasaan na si Jepoy siya na lang ang kulang." Sabi ni Mac.
"Darating din iyon lagi naman iyon late? Hindi pa ba kayo nasanay." Sabi ni Rose.
"On the way na raw siya nag text siya sa akin 1 hour ago? Malamang nag text ito ng on the way pero naliligo pa lang siya.." Sabi ni Jordan.
"Malamang sa malamang? O di kaya naaksidente siya sa daan? At multo na siyang darating rito?" Pabirong Sabi ni Mac.
Pero ilang minuto ang lumipas may kumatok agad naman itong pinagbuksan ni Jordan. Lalo na at alam niya si Jepoy ito dahil siya lang naman ang inaasahan nilang Dumating.
"Pasensya na late ako? Hehehe!" Nakangiting sabi ni Jepoy.
"Anu pa nga ba? Pa special ka lagi eehh? Hahaha!" Sabi ni Jordan.
At pinapasok na niya ito.
"Namumutla ka huh? Advance ka matakot sa ghost stories? O baka isa ka nang multo? Hahaha!" Pabirong Sabi muli ni Mac.
"Itigil mo na nga iyan Mac! Walang multong kumakatok! At nag tetext!" Sabi ni Alice na bigla na lamang nilamig kaya naman agad niyang pinatay ang nakabukas na electric fan.
"Anu na naman yan Rose? Bakit mo pinatay ang electric fan?" Sabi ni Mac.
"Eehhh.. Bigla akong nilamig eehhh.. Hindi ninyo ba ramdam? Biglang lumamig?" Sabi ni Rose.
"Oo nga nuh bigla na lang lumamig pero bakit?" Sabi ni Jordan.
"Ber months na kasi natural lang iyon.." Sabi ni Jepoy.
"Oo nga Ber Months na! At nilalamig na agad kayo? Mahiya na lang kayo sa mga nakatira sa antartica? Hahaha! Below 0 degrees ang lamig roon!" Sabi ni Mac.
"Tama na nga iyan handa na ang manguya nguya natin at mga kandila! Let off the Light at sindihan na ang mga kandila at start the Scary Story!" Sabi ni Jordan.
Agad na nga nilang pinatay ang mga ilaw at sinindihan ang mga kandila at nag circle Form silang apat at nagbunutan na sila kung sino ang unang mag kekwento.
At ang bumunot sa kanila ay si Rose at ang nabunot niya ay ang pangalan ni Jepoy kaya nangangahulugan na siya ang unang mag kekwento.
"Jepoy ikaw ang una let's start the Story." Sabi muli ni Rose.
"Siguraduhin mong nakakatakot huh? Kapag hindi may palo ka sa pwet! Hahaha!' Sabi ni Mac.
"Tumahimik ka na nga diyan Mac, hindi makapag simula si Jepoy panira ka ng moment!" Inis na sabi ni Jordan.
"Oo na tatahimik na ako.." Sabi ni Mac.
"Makinig kayo sisimulan ko na ang kwento hindi siya masyadong nakakatakot pero sana magustuhan ninyo." Sabi ni Jepoy.
"Ayos lang basta related sa Horror! Kwento mo na dali!" Sabi ni Rose.
Kaya naman sinimulan na ni Jepoy ang kanyang pag kekwento .
"Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaki. isang lalaking hindi niya inaasahang iyon na ang huling sandali ng buhay niya. Isang umaga gumising siya walang pasok kaya walang trabaho walang Stress? Walang ibang gagawin kundi mag Relax o mag saya kasama ng pamilya o mga matatalik na kaibigan." Sabi ni Jepoy
"Ang boring naman? Horror ba iyan?" Sabi ni Mac.
"Tumahimik ka nga Mac! Ginugulo mo si Jepoy." Sabi ni Jordan.
"Sige lang ituloy mo lang.." Sabi ni Rose.
"Nang araw na iyon nagpasya siyang tunguin ang mga matatalik niyang kaibigan dahil nga minsan na lang sila nag - kakasakaasama. Hapon na iyon sumakay siya sa isang Taxi maayos naman ang biyahe.
Ngunit ang aksidente ay walang pasabi tulad ng kamatayan na hindi mo alam kung kailan darating. Dahil sa nawalan ng preno ang Taxi at sumalpok ito sa pasalubong na truck sa palikong daan.
Agad namatay ang Driver at ang lalaking iyon ngunit dahil biglaan ang lahat ng kaganapan. At hindi ito matanggap ng lalaking iyon na namatay siya sa isang iglap lamang. At agad niyang nakitang sinundo ng mga itim na kaluluwa ang Taxi Driver at agad nag laho ito.
At sa takot ng lalaking iyon sa mga itim na kaluluwa agad niyang tinakasan ang mga ito. At bago pa siya tuluyang makuha ng mga ito ninais niyang makita muli ang kaniyang mga kaibigan na umaasang darating siya. Gusto niyang makapunta sa usapan nilang lugar kahit na hindi na siya makikita ng mga ito. Para Masaya na rin siyang mawawala dahil kahit paano matutupad niya ang pina gusapan nilang pagkitakita THE END.."
Pagtatapos ng kwento ni Jepoy kasabay ng pagtulo ng luha nito dahil damang dama niya ang kwento na animoy siya ang lalaki sa kwento.
"O.A naman? Hindi naman nakakaiyak? Anong drama yan Jepoy? Hindi bagay! Hahaha!" Sabi ni Mac.
"Ok naman yung story..." Sabi ni Jordan.
"Nakakatouch naman..."sabi ni Rose.
"Salamat mga kaibigan salamat sa lahat Hindi ko kayo malilimutan. at kung ako ang lalaking iyon gagawin ko din ang gagawin niya pupuntahan ko pa rin kayo kahit multo na ako.." Sabi ni Jepoy habang lumuluha ito dahil sobrang dama niya ang kwento.
Kasabay nun nawalan ng apoy ang mga kandila dahil sa hangin na pumasok mula sa nakabukas na bintana. Kaya naman binalot na ng dilim ang kabuuhan ng kuwarto. Agad naman binuksan ni Mac ang Flash Light ng Cp niya at hinanap ang switch ng ilaw upang buksan muli ito.
At sa muling pagbukas ng ilaw nagulantang at nabigla silang tatlo ng bigla na lamang nawala si Jepoy.
"Nawala si Jepoy pero paano? Wala naman tayong narinig na pag bukas ng pinto?" Pagtataka ni Mac.
"Nakapagtataka....'" Sabi ni Jordan.
Ng biglang napasigaw kasabay ng luha si Rose ng maisip niyang baka ang sarili mismo ni Jepoy ang tinutukoy niya sa Story niya.
"Hindi kaya patay na si Jepoy? At siya yung lalaki sa kwento niya? At tayo yung mga kaibigan ng lalaki sa kwento? At pumunta pa rin siya rito para makita tayo?" Lumuluhang sabi ni Rose.
"Huh.. Di nga? Multo na talaga si Jepoy?" Pagtataka na may halong takot na sabi ni Mac.
Kaya naman kinilabutan na silang tatlo pero para makasigurado sinubukang tawagan ni Jordan ang Cp ni Jepoy at nag Ring ito malapit sa kusina ngunit namatay rin agad ito.
'Naririto pa si Jepoy! Narirto pa ang multo niya.." Sabi ni Rose.
'"Tara puntahan natin para makasigurado tayo...' Sabi ni Mac.
At kabang kaba silang tatlo habang patungo silang tatlo sa kusina at sa pagtungo nila roon napasigaw sila ng makita nila si Jepoy sa Cr ng nirerentahang apartment ni Jordan na malapit sa Kusina.
At nakita nila si Jepoy na nag seselfie habang tumatae.
"Anak ng Tae naman! Akala namin multo ka na! Putik amoy patay ang tae mo!' Pinutol mo yung call para sa selfie mo habang tumatae? Pambihira!" Sabi ni Jordan.
Hiyang hiya naman si Jepoy dahil hindi niya naisara ang pinto kanina dahil nga madilim naman kanina at taeng tae na siya at nalimot na nga niya isara ang pinto ng Cr. At ang pag alis niya ay sinabay niya kay Mac na naglalakad patungo sa switch ng ilaw. At ang pamumutla naman niya ay dahil nagtatae ang status niya ngayon.
"Bwisit ka! Napaiyak pa ako!" Inis na sabi ni Rose. Habang si Mac at Jordan ay natawa na lamang.
THE END.