PARANORMAL GAME
{ MIDNIGHT GAME }
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Limang magkakaibigan ang nag pasyang laruin ang isang paranormal Game na tinatawag nA..
MIDNIGHT GAME...
Kahit ilan kayo ay pwede laruin ito at pwede rin mag isa.
Pero ang limang mag kakaibigan ay nag pasyang laruin ito ng magkakasama.
Para patunayan sa kanila kanilang sarili kung may katotohanan nga ba ang larong..
MIDNIGHT GAME..
Sila ay nasa bahay bakasyunan ni Jepoy, ang bahay bakasuyanan nila ay meron tatlong palapag.
Walang ibang naroon sa bahay kundi sila lamang mag kakaibigan at ang nag sisilbing Caretaker ng bahay bakasyunan nila na si Mang Roldan.
At ang apat niyang kaibigan ay sina Jennifer, Gladys, Ferdie, At Casper.
Sila ay mga Teenager na naghahanap ng Exitement sa buhay, at naisip nga nila gawin ang MIDNIGHT GAME..
--------------
"Ooh ano na? Simulan na."Sabi ni Casper.
"Kahit kalukuhan lang ito wala naman mawawala kung susubukan."sabi ni Ferdie.
"Ngayon pa lang kinakilabutan na ako."sabi ni Gladys.
"Ako din."Sabi naman ni Jennifer.
"Simple lang ito laruin! Kailangan natin ng Kandila, malinis na Bond Paper, asin at panulat at Pin. Ang bawat isa sa atin isusulat natin ang bawat pangalan natin sa Bond Paper na yan! At tutusukin natin ng Pin ang Daliri natin para may lumabas na dugo upang ipahid sa sarili nating pangalan! Yan ang First Step kaya gawin na natin habang 11:30 pm pa lamang."sabi ni Jepoy.
--------------
Kasalukuyang nakapatay na ang lahat ng ilaw sa buong bahay alisunod sa rules bago mag simula ang Game.
At tanging ilaw lamang sa kandila ang maaari nilang gamitin habang hindi pa tapos sa Game sa ganap na 3:33 am alinsunod pa rin sa rules ng laro.
"Huwag na pakupad kupad! Kapag nag 12 na! Mag hihintay na naman tayo ng kinabukasan niyan."sabi ni Jepoy na tila pagmamando sa mga ito.
At sinimulan na nilang isulat ang kanikanilang pangalan sa Bond Paper, at pinahiran nila ito ng sarili nilang dugo ang bawat pangalan nila.
'Ayos 2nd Step na tayo."Sabi muli ni Jepoy.
AT sa Second Step, kailangan nilang iwan ang Bond Paper na may kanikanilang pangalan sa kuwarto na may bahid ng kanikanilang dugo.
Pinatunganan nila ito ng Kandilang nilagay nila sa lalagyanan. Para hindi tangayin ang Bond Paper.
Dahil kailangan rin nasa maayos na kalagayan ang bond paper kung nasaan ang kanikanilang pangalan.
-----------
At Matapos nun..
Sinimulan na ni Jepoy na katukin ang pinto ng kuwarto ng 22 times alinsunod sa rules.
At dapat halos sakto sa 12:00 am ang pang 22 na katok alisnsunod pa rin sa rules.
Nagawa naman ito ng maayos ni Jepoy, at binuksan na nga niya ang pinto at silang lima ay lumabas na ng kuwarto.
At kailangan hayahan lamang nilang bukas ang pinto.
Upang ipahiwatig sa TINATAWAG NA MIDNIGHT MAN. na Handa na silang makipaglaro rito.