BAHAY KALINGA
BY WILLY VERANOMy WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}
Si Boyet at Pia ay mga batang naulila sa murang nilang edad.
Nang ma HIT AND RUN ang kanilang magulang habang nangangakakal sa kalsada.
Sila ay kabilang sa mga pinaka mahihirap na tao na walang sariling tahanan, ang kalsada na rin ang nag sisilbi nilang tulugan.
Gayunpaman..
Masaya naman ang pamilya nila kahit mahirap ang pamumuhay nila.
Hanggang sa dumating na nga aksidenteng tatapos sa buhay ng kanilang magulang.
At naulilla silang mag kapatid
Si BOYEt na nasa 12 Yrs old pa lamang.
At si Pia na nasa 9 Years old pa lamang.At dahil si Boyet ang panganay sa murang edad mula ng pumanaw ang kanilang magulang isang taon ng nakakaraan.
Sinikap niya mangalakal, maging utusan sa palengke, mag linis ng kotse at sapatos para lamang may makain sila sa araw araw ng kaniyang kapatid.
Hanggang sa dumating na naman ang sandaling susubukin na naman sila kapalaran.
Dahil sa inaapoy ng lagnat si Pia at sabayan ng matinding buhos ng ulan.
----------
"Tulong! Tulungan po ninyo ang kapatid ko nilalagnat po siya ng malubha! Kailangan niya ma ospital"" pag susumamo ni Boyet sa mga taong dumaraan.
Subalit...
Walang sino mang tumulong sa kanila bagkus nandiri pa sila kay Boyet at kay Pia dahil gusgusin nga ang mga ito.
"Pakiusap po tulungan ninyo kapatid ko! Kahit ano po gagawin ko! Mapagamot lang ang kapatid ko"patuloy na pag susumamo ni Boyet.
Hanggang sa..
Isang MADRE ang huminto sa Harapan nila at ito ay may banayad na ngiti.
"Mga bata huwag na kayo mag alala tutulungan ko kayo, gagaling ang kapatid mo "sabi ng Madre
"Talaga po? Salamat Po Madre! Maraming salamat po."Maluha luhang sabi ni Boyet.
"Tayo na at dadalhin ko kayo sa BAHAY KALINGA doon mapapagamot ang kapatid mo at mas mapapabuti pa kayo."sabi muli ng Madre.
"Pia! Narinig mo yun? Mag kakaroon na tayo ng tahanan! At gagaling ka!" Masayang sabi ni Boyet.
Agad nag tiwala si Boyet sa Madreng iyon at dinala nga sila nito sa BAHAY KALINGA.
"Ito ang BAHAY KALINGA, para na rin itong bahay ampunan ng mga bata na tulad ninyo na ulila na at walang matuluyan."sabi ng Madre
Na nagpakilala na kay Boyet
At ito ay Si MADRE TERESA..
AT MAY Kasamahan din itong iba pang mga MADRE kabilamg si MADRE MARIA..Kasalukuyan na ngang ginagamot ng mga ito ang mataas na lagnat ni PIA.
Simpleng lagnat lang naman ang karamdaman ni PIA, na kailangan lamang mapainom ng gamot at mahabang pahinga.
"Bukas na bukas bubuti na din ang kalagayan ng kapatid mo, kaya mag pahinga ka na lang rin kasama ng iba pang mga bata."sabi ni Madre Theresa.
"Tara sundan mo ako at dadalhin kita sa magiging kuwarto mo kasama ng ilan pang mga bata."sabi naman ni Madre MARIA
"AHH, BAKA PWEDE naman pong sa tabi na lang ako ng kapatid ko, siya na lang po kasi ang pamilya ko ayaw ko pong mag hiwalay kami."sabi ni Boyet.
"Naku... Kuwarto ito ng mga may sakit huwag ka mag alala kapag magaling na ang kapatid mo sama sama na rin kayo sa kuwarto."sabi ni Madte Theresa.