Sa simula ay may pinagdaanan lang, tapos biglang may hugot. May mga banat na alam mong may laman, may kahulugan at maya-maya... eksena na, magkakaroon na ng tauhan...Ilalarawan lahat ng tauhan, lugar ng pinagyarihan, mga kilig moments, patay- moments, mga away, kaaway at awayang walang katapusan. On and off, away –bati relationship, parang switch lang.
Maya-maya pa ay isa na palang kuwento samantalang mukhang naglalabas lang naman ako ng aking sintemyiento sa buhay. Lahat ay parang mga reklamo lang sa buhay.
Yes, lahat ay magsisimula lahat sa kuwento ... sa iba ay walang kuwenta, sa iba ay bebenta, sa iba ay pera ang katapat nito. Sa iba ay tagumpay, sa iba ay isang alalang naisulat sa papel at mababasa pa ng iba.
Hay! malalim na buntunghininga...
Magandang tanawin para sa isang magandang simulain. Ngunit kahit anong ganda ng simula, paano ko naman ito tatapusin? Paano magkakaroon ng kahulugan ang isang magandang kuwento kung walang kabuluhan ang kanyang katapusan? Tulad din ng buhay ko ngayon. I am the great example of a boring life pero kontento naman kasi ako at hindi ako mapaghanap. Writer talaga ako. Kabalikataran ng aking buhay ang lahat ng aking mga isinusulat. Actually, kung ano ang mga isinusulat ko ay ang buhay na gusto ko.
Minsan parang tama lang... Okay na... pero may igaganda pa pala kung napag-isipan ko sanang maigi. Iyon palagi ang problema ko. Iyon palagi ang komento sa akin ng mga followers ko. Minsan kasi talagang kailangang may element of surprise para mas may thrill ang buhay... ang kuwento para aabangan ng mga readers.
"Okay na...Atleast nagkatuluyan sila..."
"Ay tapos na? Wala bang Book 2 ito?"
"Ay bitin!"
Iyon ang worst na comment na nakukuha ko sa WATTPAD. Minsan iniisip ko kung saan ako nagkulang. Bakit bitin? Kaya mega basa ulit ako. Bakit kailangan ng Book Two kung tapos na? Tinitingnan ko kung saan ko pa dapat binigyan ng emphasis ang kuwento, hinuhulaan ko kung saan posibleng bitin kaya naglagay na ako doon ng comment, suggestions and reaction part chenes para malaman ko rin kung saan ko dapat lagyan ng revision. Eh may iba nga basal ang ng basa at hindi nagko-comment.
Para sa akin worst feeling ang mabitin... Hehehe, I know what you are thinking. Masakit talaga sa pakiramdam ang mabitin. Pero what I am telling here is kung isa kang reader, alam mo ang pakiramdam ng bitin sa kuwento. Minsan ang reader mas writer pa sa totoong writer. Kapag gumana ang imagination nila, may gusto silang eksena na hindi naman naiisip ng writer. Kung puwede lang siguro nilang idugtong sa kuwento ko ang naiisip nila, sana nagdugtungan na lang kami hanggang sa matapos ang kuwento na gusto nila. Open naman ako sa suggestions at bigay hilig naman ako sa kanila. Binabago ko nga talaga ang setting, iyon ang mahirap gawin kasi kahit may kasunod na sanang eksena, babaguhin mo ulit ang scenario ... iyon ang mas nakaka-challenge sa akin.
And so, I became a writer.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
عاطفيةA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
