HANDS UP

27 1 0
                                        

VIOLET'S POV



Yes, after that night na nag-inform si Max na magpapakamatay daw siya bigla akong natauhan. Masyado kong pinahihirapan si Max pero ang totoo, ako lang din naman ang nahihirapan. Umiyak siya at umiyak din akong bigla. Nagsasalita pa lang siya sa kabilang linya ay nahahabag na kaagad ako. See, I had been like this to Max since we were young. Ako palagi ang talo. Matapos niyang magpaawa effect ako palagi ang nag-gi-give up.



Binalewala ko ang tawag niya. Nagalit pa nga ako eh pero first time akong nakita ni Xam na nagalit ng ganoon. Nagulat siya at niyakap ako. "Mommy, I missed Daddy already. I haven't seen him for such a long time on tv. Tell Daddy to come home na, Mommy." At sino ang hindi mahahabag sa request ng anak ko. Pareho ko silang pinahirapang dalawa.



First time kong nakitang iniyakan ni Xam si Max kahit hindi pa talaga niya nakikilala ang ama sa personal. Sabi niya makikilala daw niya si Max Olivero kapag nakita niya ito ng personal pero tingnan natin kung makaharap niya ang ama.



"Huhuhu..."


"Sssshhhh! Stop crying anak. Mahal ka ni Daddy... Kung alam lang niyang nabuo ka. Baka ngayon ay nandito na siya sa atin. Is it about time?" Iyon ang tanong ko sa aking sarili.



Pinatulog ko si Xamxam ng may hikbi sa labi. Sinilip kami ni Mommy at dinampot sa sahig ang nagkawasak-wasak na cellphone. Ibinalik niya ulit ito sa ayos. Saglit lang at okay na ulit.



Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na iyon.



"Violet, huwag mong pahirapan ang sarili mo. Tanggapin mong muli si Max. Alam kong mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Ituloy mo ang iyong buhay kasama ng iyong mag-ama. Huwag mong pigilan ang sarili mo para lumigaya. "



Humiga kami ni Xam na parehong tumutulo ang luha. Ano ba itong ginagawa ko sa kanilang dalawa? Gusto ko bang mabuo ang aking pamilya o tuluyan kong sisirain dahil hindi ako marunong magpatawad? Stupid!



Well hindi ko inaasahang mapapakialaman ni Xam ang cellphone ko ng umagang iyon. Maybe, it's a blessing in disguise o coincidence o talagang it's about time that Max and Xam finally met each other over the phone.



Nasa banyo pa naman ako ng biglang mag-ring ang aking phone. Marunong na si Xam tumanggap ng tawag kaya malay ko ba na tatawag si Max ng ganoon kaaga. Madalas niyang gawin iyon kahit hindi ko tinatanggap ang tawag niya.



"Mommy, someone is calling you by the phone?" Pero pinindot na niya ang receiver. Tinaggap niya ang tawag at dinig na dinig siya ni Max.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon