AND FOUND

18 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Pinaghahanap na nila ako kung saan – saan. Walang nakapansin sa akin. Lahat ay nag-alala. Lahat ay pinag-alala ko lalo na si Mama. Kabadong –kabado siya kung saan ako hahanapin at kung anu-ano na ang naglalaro sa kanyang isipan. Lahat ng kahindik-hindik at kakila-kilabot na pagkamatay ay naisip na niya.



"Doc, parang awa mo na. Hanapin natin ang anak ko."


"Huwag po kayong mag-alala, Tita Cherry. Nandito ang lahat para hanapin si Violet." Nakagrupo ang lahat ng mga kalalakihan ng hacienda para hanapin ako. "Mang Kanor, doon po kayo sa bandang sapa... Elmer, sa gawing kakahuyan naman kayo. Tata Kulas, doon po tayo sa bandang taniman." Mas madaming kalalakihan ang kasama sa taniman dahil malawak ang sakop noon. Lahat ay may dala-dalang sulo.



Matagal bago nila ako natuton. Nakaupo ako sa gitna ng niyugan. Natakot ako ng may ahas na magdaan sa aking paanan. Kitang kita ko sa dilim ang nangingintab niyang balat. Mahaba, mataba at mukhang naghahanap ng makakain. Hindi ako halos kumilos, huminga at gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanlambot ako ng makaraan ang ahas. Nakakatakot!



Maya-maya pa ay dinig ko na ang sigaw..." VIOLETTTT! VIOLETTTT! Si Mama ito...." Sigaw ni Mama iyon.


"VIOLETTTTT! Magpakita kaaaa!" Ano ba ako, engkanto? Sus, boses iyon ni Doc.


"MAMAAAA! MAMAAAAA!" Doon ko lang naibuhos ang takot ko. Humagulgol ako sa iyak. Patakbo akong niyakap ni Mama. Hinagod ni Doc ang aking likuran sa sobrang takot.


"Salamat naman at nakita ka na namin." Pagod ako at bigla akong nawalan ng malay. Si Doc ang bumuhat sa akin hanggang sa loob ng kabahayan. Puro putik ang aking paa. Puno ng tinik ng damo ang aking damit. Puro pantal mula sa talim ng talahib ang aking hita at braso. Napuno ng kagat ng lamook ang aking mukha.


"Salamat sa Diyos at nahanap natin siya." Sabi ni Mama.


"Anak, okay ka lang ba?" Tumango ako.


"Mama, sorry po. Pinag-alala ko kayong masyado."


"Huwag kang aalis ng walang kasama dahil hindi mo alam ang pasikut-sikot sa loob ng hacienda." Tumango akong muli dahil alam kong mali ako. Hindi ko dapat iyon ginawa.



Pinakain ni Mama ang lahat ng kasama sa paghahanap sa akin. Dinig ko ang pasasalamat niya sa pagtulong nila. Naiwan kami ni Doc sa loob ng aking kuwarto."Violet, nandito ako para ..."


"Doc, wala kang kasalanan sa mga nangyari kaya huwag kang feeling guilty." Sarcastic pa rin ang aking pagkakasabi. Bitter pa rin ako.


"Kung magbunga man ang..." Alam ni Doc na may nangyari sa amin ni Max. "Inihabilin ka sa akin ni Max. Anu't anuman ang mangyari...Kung magbubunga man daw ngayon ang kanyang ginawa..."


"Doc, stop it!Hindi na kailangan. Madami kaming magagandang alaala ni Max. Kung mabuo man ang batang ito o kung talagang mabubuntis ako ngayon...Hindi ako maghahabol sa kanya."



Pero a few weeks more, it was false alarm. Hindi ako buntis. Well and fine. Then I decided to leave. I can go back to work now. Natanggap na raw ng office ang revision sa tatlong story na natapos kong i-edit at for printing na ang lahat.


Bago ako umalis ng araw na iyon, nagulat ako sa ibinalita ni Melanie. "Violet, buksan mo ang WATTPAD Account mo. Are you aware what's going on now? Nag-update ka ba?"



"Ako? nag-update? Kailan pa? Hindi ko alam..."


"May nakakaalam ba ng WATTPAD Account mo?"


"Bakit nga?"



Ilang kuwento lang ang nakasama sa aking reading list. Hindi ko maalala kung kailan ako nag-update ng kuwentong "Isang linggong Pag-ibig ni Max" dahil ang isang linggo ay hindi na puwede pang dagdagan... hindi na puwedeng dugtungan.



"You better read there comments. Kailangan mong magpaliwanag?"



OO, hindi ko alam kung sino ang gumawa noon. Hindi ako ang nag-update noon kahit mayroon akong kuwentong ginawa karugtong noon. Hindi ko kasi nai-post dahil sa totoo lang, mabagal akong mag-update noong mga panahong iyon dahil bawal akong magpuyat. Matapos kung gumawa ng damage control. Matapos kong magpaliwanag sa mga followers ko ay saka ako nakaisip ng mas magandang kuwento. Nag-private message na lang ako kina Red, Rose, Jenny at Rio tungkol sa totoong estado ng kuwento.



Dudugtungan ko ang kuwento ni Max. 

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon