MY WRITING EXPERIENCE

11 0 0
                                    

Kaliwain ako. Ibig sabihin, left-handed ako. People I encounter get curious about my handwriting. Kasi nga kaliwete daw ako. They don't expect me to write legibly. Hirap na hirap daw silang tingnan ako pero kapag nakita na nila ang sulat-kamay ko, hindi sila makapaniwala. Sa totoo lang, lumaki ang kalyo ko sa daliri dahil sa kapapraktis ng pagsusulat. Pinapalo ni Mama ang kamay ko kapag hindi ako nagsasanay sa pagsusulat. Pinagagalitan naman ako ni Lola kapag kumakain kami na kaliwa ang kutsara. Ano bang masama doon? Well, pinagtiyagaan pa rin niya akong turuan kasi ayaw daw niyang makita na pangit ang sulat ko. Hindi niya ako tinantanan hangga't hindi ko natatapos ang 180 pages na handwriting book ko.



Those were the days na wala akong ginawa kundi magsulat ng magsulat.



This time, ganoon pa rin ang nakahiligan ko. Walang iba kundi magsulat pa rin ng magsulat . Natuto tuloy akong magsulat sa isang diary. Palibhasa ay wala akong makakuwentuhan sa mga pinsan ko kaya pagda-diary ang nakahiligan ko. Walang magbabawal sa mga sasabihin ko. Walang magsasabing mali ang iniisip ko. Dahil dito, kumapal ang kalyo ko at madami na akong notebook na nasulatan. Inipon ko iyon para naman mabasa ko ulit kung kailan ko maiisipan.



"Ano ba 'yan? " Tanong ni Max. Madalas niya akong mapansin na sulat lang ng sulat.


"I am having my journal entry kaya huwag kang maingay" Bigla siyang lalapit ng sobrang lapit pa sa akin. Halos nakadikit na ang kanyang katawan sa akin. Nasa gawing likuran ko siya at itutukod niya ang kanyang baba sa aking balikat saka titingnan ang ginagawa mo.


"Hmmm, hindi daw maganda ang magkaroon ng diary. Madali ka daw mamamatay."


"Sus! Maniwala ka naman sa mga sabi-sabi." Muli kong inisip ang kasunod kung isusulat. Hay, nakalimutan ko na tuloy. May istorbo kasi. Bigla kong iniangat ang aking balikat saka lumayo si Max.


"Kasama ba ako diyan? " Bahagya na siyang lumayo at umayos ng upo.



Nasa dati kaming tambayan na kung tawagin ay CatWalk. Bakit Catwalk? Tama ka! Madami kasing pusang gala doon. At ito pa, kung maglakad ang mga babae sa tambayang iyon ay pa-CatWalk . Madaming cute ang tumatambay sa lugar na iyon kaya panay ang punta nila doon para magpa-charming...



"Wish mo lang. " Iniligpit ko na ang gamit ko. Syiempre naman, may diary bang ipinapabasa kung kani-kanino.


"Dapat sa iyo, nagda-download ng apps. Madaming mobile application ngayon na magagamit mo. Hindi na kakapal ang kalyo mo" Sabay kuha niya sa kamay ko at tiningnan ang kalyo sa daliri ko. " Ganda pa naman ng daliri mo" Tinitigan niya ang daliri ko at sinalat ang aking hintuturo. Aba't gagamitin pa niyang pangkulangot sa ilong niya kaya hinila ko kaagad ang kamay ko.


"Siraulo ka talaga! " Hinampas ko siya sa balikat. " Layuan mo ako at baka lalo akong malasin sa ginagawa mo" Tawa siya ng tawa. Simple lang pero anggaling niyang mang-asar.


"Di ba, may tablet ka naman... Tuturuan kitang mag-download. Makakapili ka pa..."


"Madali lang ba iyon?"


"Oo naman. I try mo 'yon... Tekki na ang mga tao ngayon at ikaw na lang ang nasa Stone Age." Buwisit! iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Aasarin lang niya ako.



Sa panahong advance na ang techonology , sino ba ang nakakaalam na isa na ako sa mga taong hindi pa bihasa sa paggamit ng teknolohiya. May computer subject kami and I think I know the basics. Kuntento na ako doon.



Little did I know na kapag natuto akong gumamit ng mga gadgets tulad ng tablet eh mas mapapadali ang buhay ko at mai-enjoy ko ang pagsusulat.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon