MY BESTFRIEND'S SENTIMENTS

15 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Doon ko nakitang namumugto ang mata ng kaibigan ko. Hindi ko lang nahalata dahil sa salamin niya.



"OMG!" Hindi ako makapaniwala. Ipinilig ko ang aking ulo. Nagtaka si Max sa inasal ko. Nagtaka tuloy siya. Akala siguro niya ay nalungkot ako sa balita niya. "Nakakaawa naman si Friend..."



Bigla na lang umiyak ang loko. Humagulgol sa kama ko.



"Bakit ba ganito palagi ang nangyayari? Palagi na lang akong luhaan" Actually, pareho kami. Palagi na lang kaming iniiwan ng mga mahal namin. Puwede na kaming magtayo ng fan's club , SAPI- Samahan ng Palaging Iniiwan ... Siya ang President at ako naman ang VP niya. Malamang marami ang sasali. Mas blockbuster pa ito sa sine.


"Pogi naman ako" Teka, saang banda? Banatan ko kaya siya para matauhan.


"Matalino..." Hindi sapat ang talino ngayon, uy! Kung mautak ka, mas mautak ang mga babae ngayon. Haller!


"Mayaman..." Alam mo, kahit anong yaman mo, kung hindi mo magamit para magkaroon ka ng good looks balewala din.


"Matangkad..." At anong kinalaman ng tangkad? Height , weight and age doesn't matter, ano ba?


"Anong kulang sa akin? " You are almost perfect , Friend. Kaya lang hindi iyon ang iyong tadhana. Okay, hindi siya perfect para sa iyo. He doesn't deserve you a bit. Huwag kang assuming na pagtitiyagaan ka ni Carla. Hahanap ka rin lang ng girlfriend, eh 'yong Campus Crush pa ang napili mo. Alam mo namang madami ang magkakandarapa doon. And knowing Carla, hindi ka seseryosohin noon. Sinabihan ko na kasi, matigas pa rin ang ulo.



Pareho kaming bigo ni Max sa pag-ibig. Lagi siyang nababasted at ako naman, hopeless romantic sa mga crushes dahil ni minsan ay hindi nila ako pinag-aksayahan ng pansin. Ni walang magtangkang manligaw sa akin . Si Max ang madalas sumugal sa pagkakaroon ng girlfriend. Ako naman, palaging takot at iniiwasan ko ang kabiguan dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong isakripisyo para lang sa pag-ibig.


So, ano nga ba ang kulang? Eh kaaya nga ang tawag sa akin ay  Flaming Charisma pero walang charisma. Dead charism pala.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon