INTRODUCING K-DRAMA

13 0 0
                                        

MAX'S POV



Syiempre, dito ko unang nakilala ang tamablang Choi Minho at Choi Sulli. Parehong kasama sa magkaibang Korean Singing Group, ang SHINee at F/x... Isang rapper at isang vocal. Parehong magaling sa kanilang larangan, Talentado at mahusay umarte sa harap ng kamera.



Sisimulan na sana namin ang panunood ng mapansin ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.



"Mama, nasaan po kayo?"


"Anong oras po kayo makakauwi?"


"Ang daya naman po ninyo?"


"Basta, pasalubong ko po ha!


"Bye Mama, Ingat po kayo ni Tita Cherry."



Late na daw makakauwi ang magkaibigan. Nasa kasiyahan ang pareho naming mga nanay kaya si Kuya Bembol na lang muna daw ang bahala sa amin. Pagkababang- pagkababa ko ng telepono, bumukas ang pinto ng kuwarto ni Violet.



"Violet, kayo na muna ang bahala dito ni Max."


"Uy, Kuya. Saan ka pupunta?


"May date ako. Manunood kami ni Amanda ng last full-show. Uy, Max ingatan mo dito si Violet ha!"


"Areglado , Kuya!" Sinaluduhan ko pa siya.



Pareho kaming bumaba ni Violet sa kusina para kumuha ng makakain sa kusina. Inilagay ko ang hapunan namin sa isang malaking tray. Kumuha si Violet ng malamig na tubig. Bumaba ulit at kumuha ng desserts. habang nasa harap kami ng tablet ko, pinanuod namin ang TTBY- To the Beauty You...



Kuwento iyon ng babaeng nagpanggap na lalaki para lang tulungang makabalik muli ang kanyang idol sa sports na minahal nito at kung saan siya nakilala ng maraming fans. Inaabangan siyang madalas ng kanyang mga fans, sa mismong gate pa lang ng kanilang school at sinusundan sa kung saan siya magkaroon ng autograph or picture signing o di kaya naman ay pictorials at commercial shoots.



Pinaputol ng bidang babae ang kanyang mahabang buhok at dinoktor ang kanyang mga dokumento para makapasok sa isang All-Boys School. Nakakatuwa ang unang pagkikita ng bidang lalaki. Isang suplado at iritableng lalaki at isang palakaibigan at masayahing binata naman ang asta ng mapagpanggap na dalaga.



Wala kaming ginawa ni Violet kundi kumain ng kumain. Hindi na namin namalayan ang pagdating nina Mama at Tita Cherry. Ala- una na ng madaling araw ng dumating sila. Kasalukuyan na kaming nasa episode 5 pa lang. Kumatok si Tita Cherry ngunit naka-lock ang pinto at hindi na siya nagtangkang pumasok dahil alam niyang tulog na si Violet.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon