MAX'S RAGE

8 0 0
                                        

MAX'S POV



Hindi ako makapaniwala sa bagong libro ni Violet. Napakaimposible talaga niya. Anghilig niyang paglaruan ang character ni Max na para bang wala siyang ginawang matino. Affected ako kasi kapangalan ko ang character. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niyang tungkol sa character. Malayo ang puwedeng takbuhin ng isipan ni Violet. Si Violet pa... buti nga at hindi pa niya ako nagagawang patayin sa mga kuwento niya kasi kapag ginagawa niya iyon talagang magwawala talaga ako. Masyado siyang harsh kay Max. Pakiramdam ko tuloy ako iyon. Hindi ako nakatiis.



"Max is so proud to meet me. The barong is seemingly multi-colored in nature. A tall and dashing man came walking down the aisle with all his smile. Hindi ko maipaliwanag ang klase ng ngiti niya habang papalapit sa altar.



"Sa wakas ikakasal na rin ako..." Sabi ni Max.



"Ikaw na ang pinakaguwapong groom na nakita ko. " Hawak niya ang kamay ko.



"Sa wakas, ikakasal ako sa aking dream girl."



Angganda ng intro niya. Wow, I got curious right away when I opened my account. Kahit may binabasa pa ako , iniwan ko saglit at binasa ko ang bago niyang kuwento. Walanghiyang babae ito pati ang nangyari sa aming dalawa ay ikinuwento pa niya dito. Wala na siyang itinagong sikreto sa katawan. Pasaway talaga!



"Red, baka naman may number ka ni Violet."



"Max , ano na naman ang balak mo?"



"Nabasa mo na ba ang bagong kuwento ni Violet sa Wattpad?"



"O, e ano naman ngayon sa akin. Mr. Oliveros??? Ano naman ngayon? Besides, kuwento lang iyon. Alam mo naman ang imagination ni Violet, hindi matatawaran. Parang marami siyang hugot sa buhay."



"Look, I have to talk to her."



'Para ano pa????"



"Is she getting married?"



"Teka ngaaaa, Maxxxx...gumising ka nga. Are you crazy? Libro lang yun, omg ka naman. Masyado kang OA sa reaction mo."



"NO, lahat ng nabasa mo doon ay totoong buhay namin ni Violet. The way she described it...It is exactly what really happened."

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon