WILL U MARRY ME?

12 0 1
                                    

PARIS' POV



Kinabukasan, hindi na ako nagdalawang isip pa. Ayokong mas masaktan si Violet sa susunod. Maaga akong nagising. Sumilip ako sa bintana. Tirik na rin ang araw ngunit hindi pa siya bumabangon na parang wala siyang balak pumasok sa trabaho. Nakasilip na sina Mrs. Chang at Mrs. Garcia sa bakuran pagdaan nila. Dumaan na rin sina Mr. Cirilo at Mr. Jordan at panay ang silip nila sa bakuran. Na-miss siguro nila si Violet.



Biglang kumilos si Violet. "Violet, may sasabihin ako sa yo" Nakayakap pa rin sa akin si Violet. Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit alam kong gising na siya.



"Ano 'yun?... Wait... Bakit pala may bahid ng dugo ang damit mo noong..." " Bigla siyang naalimpungatan. Alam ko ang tinutukoy niya at hindi na ako nagkaila. Ayokong magulat siya.


"Violet, marry me..." Umayos ako ng upo sa kama. Ah, hindi pala ganoon kadali. Akala ko, kaya ko nang sabihin pero hindi pala. Iba ang lumabas sa bibig ko.


"PARIS...."


"Let's marry at the end of the month." At parang sigurado pa ako na aabutin pa ang buhay ko until the end of this month.


"We have a very short preparation.Kaya ba? What about my wedding gown? Will it be..."


"Sssshhhhh! " Natataranta na naman si Violet. Hindi pa nga niya ako sinasagot. "Violet, will you marry me?" Hawak ko ang singsing habang umaayos siya ng upo sa kama. Nasa dulo kasi ako ng kama at nakaluhod doon.



Kaya ko siya minahal ng walang hinihintay na kapalit dahil ang mahalikan ko siya at makasama sa araw-araw ay sapat na. Hindi man ako mabubuhay ng matagal, may masayang alaala siyang babalikan.



Nalungkot pa rin ako dahil sa nangyari sa kanila ni Max. Hindi ko tuloy masiguro ang kanyang kinabukasan at kung kanino ko siya ipagkakatiwala dahil sa nangyari. Pero naniniwala ako na mahal pa rin ni Violet si Max. Time heals all wounds. Alam kong maghihilom ang anumang sugat na nangyari sa nakaraan lalo na kung matututo siyang magpatawad.



"YES.... I WILL MARRY YOU." At last....



Hindi kami pumasok ng araw na iyon. Kinausap namin sina Mama at Tita Cherry sa mga plano namin. Pumayag naman sila. Kami lang ang dadalo sa kasalang iyon kasama sina Mrs. Chang, Mrs. Garcia , Mr. Jordan at Mr. Cirilo. Kinuha namin silang ninong at ninang. Imbitado din si Melanie pero siya lang sa publishing house ang sikreto kong inimbitahan.



Pagkatapos naming mag-agahan ni Paris, nag-message kaagad ako sa kanya. Excited din kasi ako eh.



"Biglaan naman yata."


"OO nga eh. Nakakagulat. Paggising ko, "Will you marry me" kaagad ang bungad. Na-lurky ako! Pero, syiempre masaya ako. Sa wakas, may makakasama na ako dito sa bahay. Legally my husband already."


"Buntis ka na ba?"


"Huh, wish ko lang pero hindi."


"Anyway, congratulations, Violet."


"Thank you. Secret natin 'yon ha!"


"OO naman..."



Pumayag ako sa proposal ni Paris. Hindi ako nagtanong kumbakit. Basta umoo ako at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. I want to marry him. I want to be his wife for life. Walang enggrandeng kasal but still it was a church wedding.



The following day, lumuwas na kaagad sina Mama at Tita Tatiana. Excited ang mga mudra namin sa balita. Syiempre, umagang umaga ng Biyernes ay may kumakatok na sa aming pinto. Madaling araw na naman sila lumuwas at dito nila gustong mag-almusal sa amin. Si Paris ang tumayo at nagbukas ng pinto.Pero sumunod din ako.



"Mama, next week pa po ang kasal namin ni Violet." Sabi ni Paris.


"Mano po..." Nagmano pa rin ako sa kanilang dalawa. Inakbayan ako ni Paris. Gugulo na naman sa bahay kahit dalawa lang sila.


"Dapat kasi noon pa kayo nagplano ng pagpapakasal para napaghandaang mabuti."Sabi ni Mama.


"OO nga naman...Hindi ko tuloy alam kung ano ang isusuot ko."Sabi ni Tita Tatiana.



Naghanda ng almusal si Honeylet. Isinama siya nina Mama. Nandoon din si Kuya Gardo, ang nag-drive ng kotse kanina. Masaya kaming kumain. Masaya talaga kapag maraming tao sa bahay.



Palihim kaming kinausap nina Mama at Tita Ana. Tulad ng tanong ni Melanie, tinanong din ako kung buntis na ba ako. Eh hindi nga... Angkukulit naman. Porke't ikakasal, buntis kaagad. Hay ewan.



"Violet..."


"Bakit?"


"Ang ingay, ano! Grrrr, si Mama talaga."


"What more can I say?"



Nagkatinginan na lang kami. I can't wait until I say yes to Paris infront of the altar.



And I love Paris the more.....

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon