VIOLET'S POV
Hindi madaling makalimot. Hindi ko na makakalimutan si Max, iyon ang malinaw at totoo. Nagtungo ako sa malawak na taniman ng saging at mga kalamansi, maging niyugan sa likod – bahay sa pag-aakalang malibang ako kahit papaano. Wala akong ibang puwedeng gawin ngayon kundi maging mahinahon at maging masaya at positibo ang pananaw sa buhay gaano man kabigat ang problemang aking dinadala ngayon.
Napakalawak pala ng tanimang iyon. Kahit anong gawin kong paglingon sa buong taniman, hindi niya maibsan ang lungkot sa aking puso. Gusto kong mawala sandali sa katotohanan at magpunta sa isang mundong puno ng pantasya at mahika. Ahhh, hindi ko pa rin maialis ang aking pagiging mapangarapin kahit gising na gising ako. Pakiramdam ko, lahat ng ito ay bahagi lang ng imahinasyon.
Kailangan kong malaman ang totoo sa hindi... Hindi ako nananaginip. Hindi ako bahagi ng aking obra. Ang buhay ko ay hiwalay sa mga kuwentong ginagawa ko sa WATTPAD. Wala ni isa man doon ay tungkol sa aking buhay. Bahagi lang ang lahat isang malayang hiraya, ng isang mayabong na panaginip , ng isang imahinasyong hindi ko makokontrol kung kailan ito papasok sa aking isipan at kung kailan ito hihinto para matapos ang isang kuwento.
Ganito ba maging isang writer, maging isang author ng libro? Hindi ko maihiwalay sa aking tunay na buhay ang mga ginagawa kong kuwento. Lahat ng hugot ko ay nangyari talaga sa buhay ko. Pero itong nangyari sa buhay ko ngayon ay hindi na bahagi ng imahinasyon. Totoo na ito...
Bilang author, may sarili rin akong buhay. Mayroon din akong pinagdadaanan sa trabaho at pamilya at maging sa isyu ng lipunan. Maraming isyu ang buhay, samu-t saring eksena, kakaiba at hindi mo aakalain pero nangyayari talaga. Minsan nga, akala mo ay imposible, ngunit ang totoong buhay ay hindi imposible.
Nakatatak sa puso't isipan ko ang lahat ng mga bagay tungkol kay Max. Paano ko siya makakalimutan ng ganoon kadali lalo pa ngayon? Ang panaginip na iyon...hindi pala isang panaginip kundi kahibangan at pagpaparaya sa isang kasinungalingan. Gusto kong maiyak. Gusto kong mawala sa taniman ng sagingan. Gusto kong maglaho na lang na parang bula at kailanman ay hindi na muling makita. Naisip kong kidnapin na lang ako ng tikbalang o ng lamang lupa na makakagusto sa akin sa mga oras na ito.
"Huhuhu, Max...Naging duwag ako. Naging duwag ako. Ako pa rin si Violeta na mahina ang loob at hinahayaang i-bully nina Olivia at El Xandria. Ako pa rin ang babaeng palaging naghihintay na ipagtanggol ni Max sa sinumang nang-aapi sa akin... Sorry, hindi ako naging totoo sa sarili ko. Hinayaan kita sa piling nang iba sa pag-aakalang magiging masaya ka sa kanya. "
I was thinking that they both deserved each other. Ako? NO, I don't even deserve to be happy. I will just be happy for Max.
Papalubog na ang araw at sinundan ko lang kung saan ito lulubog hanggang sa makita ko ang aking sarili sa gitna ng nagtataasang mga puno ng niyog. Nanlambot ako. Ayokong lumingon dahil tiyak kong maliligaw ako pabalik. Hindi ko matutunton ang tamang daan dahil hanggang ngayon ay bulag ako sa katotohanan. Hinayaan kong magdrama sa gitna noon. Umihip ang malamig na hangin at nakakapangilabot. Nakakatakot! Nilipad ng hangin ang mga tuyong dahon ng niyog. Dinig ko din ang pagaspas ng mga katabing puno. Ahhh! Nakakatakot!
Pero mas nakakatakot 'yung buhay ako at humihinga ngunit wala sa katinuan. Mas nakakatakot 'yung buhay na puno ng pagsisisi dahil mayroon akong hindi nagawa kahit may pagkakataon ako para gawin ang tama. Umiyak lang ako pero sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi ko pinakinggan si Max. Nag-sorry siya pero hindi ko naman talaga siya napatawad maging ang sarili ko.
Si Violeta, kahit kailan ay mapagkunwari, duwag at sinungaling.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...