MAX'S POV
Tahimik si Violet habang pangko si Xam. Nakatulog na ang bata sa sobrang pagod. Nakipagpuyatan pa sa amin.
"Sa susunod, it would be better kung hindi na natin isasama si Xam sa kitakits. Tingnan mo sina Rose at Red. Hindi naman nila isinama ang mga anak nila." Sabi ko. Mabuti at nandoon si Xam. Mabuti na lang at inosente pa siya para maintindihan ang aming pinag-awayan.
Inakala ni Sadam na anak ni Paris si Xamxam...Mabuti at hindi naman sinabi nina Red at Rose sa kanya ang buong kuwento kung paano nangyari ang lahat. Kinuha ko na si Xamxam kay Violet. Alam kong ngalay na siya sa pag-alalay sa bata. Matangkad na bata si Xam. Sa edad na limang taon ay hanggan beywang ko na siya.
Ah, malapit na siyang pumasok at iyon ay hindi pa namin napag-uusapan ni Violet. "Bakit kanina ka pang tahimik?" Tanong k okay Violet habang nasa loob kami ng elevator. Tumulo kaagad ang luha niya pero nagpahid kaagad. Ayaw niyang makita iyon ni Mama. Baka isiping nag-aaway kami.
Pero hindi kami sinalubong ni Mama. Late daw silang uuwi ni Mama Cattleya. Nanuod ang dalawa ng last full-show.
Matapos kong ibaba si Xamxam sa kama ay inasikaso muna siya ni Violet. Pinalitan niya ito ng pantulog. Saka nagtabi ng dalawang kama sa magkabilaang gilid.
"Violet, mag-usap muna tayo sa labas." Nauna akong lumabas at naupo sa sala. Tinabihan naman niya ako. Saka tumulong muli ang luha niya. "Ano bang iniiyakan mo?"
"Max, I am sorry...."
"Anong sorry ang sinasabi mo? Ako nga dapat ang nagso-sorry... I am so sorry , Violet. Alam mo kung gaano ako ka-possessive when it comes to you. Pati 'yung mga bagay na sikreto ay nasabi ko sa... Ayyyy, nakakainis kasi itong si Sadam eh... Hindi ko akalaing mapagkakamalan pa niyang anak ni Paris si Xam. Buwisit talaga ang lalaking iyon. Pasalamat siya at nandoon si Xamxam kundi, manghihiram siya ng mukha sa aso.Kapal ng mukha!!!!"
"Sssshhhhh, tama na...Huwag ka nang magalit kay Sadam..."
"Violet, sorry kanina ha!!! Sorry..."
Sorry na lang kay Sadam. Game over na sa pagitan naming dalawa because I still have Violet back in my arms...
Mabilis na dumaan ang mga araw hanggang sa dumating ang linggo kung kailan kami dadalo ng mga Pre-Cana Seminar sa diocese na sakop ng simbahan kung saan kami ikakasal. Dumayo kami ng San Juan. Umuwi kami ng Batangas at gagawin namin iyon linggo-linggo. Pagkatapos ng seminar, umuwi kami sa farm nina Violet. At doon niya ako natanong. Akala ko nga ay hindi na niya iyon maaalala...Nasa loob kasi kami ng kuwarto niya at nag-lock kami ng pinto. She stopped and suddenly looked at me intently...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...