FATIMA'S POV
I had never seen our editor-in-chief to be very busy like this. As far as I know, hindi ganoon kadaling pumasa sa panlasa niya ang anumang manuscript na ipinadadala sa amin. Minsan, ibinabalik namin ito sa may-ari.
Isang araw, kinausap niya ako. Hindi ko alam kumbakit si Violet ang aming topic. I wonder what curiosity has gone to her. Alam kong pinupuri niya si Violet sa mga gawa nito at alam ko ring close sila. Hindi na ako magtataka kumbakit itinatanong din niya si Max.
"Fatima, gaano mo kakilala si Violet?" Ano ba namang klaseng tanong iyon? Sa tagal ba naman ni Violet dito sa publishing house, mayroon pa ba kaming hindi alam sa kanya bukod sa pagkakaroon nila ng mga anak ng sikat na modelo na si Max Oliveros.
"Hmm, ano po ba ang gusto ninyong malaman?" Syiempre, I was asking any particular thing about Violet. Ano ba sa mga alam ko ang gusto niyang malaman? Tungkol ba kay Max? Sa mga anak niya? O sa paggawa niya ng libro?
"What do you know about her as a writer?"
So I told her na kahit noon pa mang una, si Max ang buhay ni Violet when it comes to characters of her stories. Madami siyang hugot sa buhay. Kakaiba ang utak niya at maging ang mga paniniwala niya. Nasaksihan ko din ang mga ups and downs ni Violet. Minsan din siyang nawalan ng ganang magsulat ng kuwento. May mga pagkakataon na kailangan niyang mag-leave sa trabaho upang makasagap ng sariwang hangin sa probinsiya dahil hindi na niya minsan kaya. Gusto na nga niyang sumuko.
Nasaksihan ko din kung paano nagbago ang buhay niya ng dumating si Paris. Naging masaya naman siya pero alam kong ang hinahanap – hanap ng kanyang puso ay si Max pa rin. Kahit alam ko ang malaki ang kaibhan ng magpinsan, deep in Violet's heart...Max is irreplaceable. Wala ng ibang lalaki sa mundo kundi si Max at wala ng iba, bow!
"Follower ka ba ni Violet?" Huh, what does she mean by that? Anong follower? Follower saan?
"Sa Wattpad po ba ang tinutukoy ninyo?" Tumango ang kausap ko. "OPO..." Sabi ko naman. Kasi alam kong bago siya maging writer ng libro, may mga libro din daw siya sa Wattpad.
"Are you familiar with her book "MY BESTFRIEND'S WEDDING"?"Tumango akong muli. Yes, I have read it actually. Saka niya kinuha ang mouse sa kanyang computer. Konting click.... tapos saka niya sinabing may ipinadala siya sa email ko. "I want you to read the story I just send you..." Pinaalis na niya ako. Mukhang ASAP kaya binuksan ko kaagad ang email ko pagbalik ko sa aking cubicle.
I was surprised to see the title, MY BESTFRIEND'S WEDDING: MAX'S VERSION...Who is Max? Ah talagang may something. Sige, mamaya na lang ako magtatanong...OMGGGG!!!! What is this? Is this....Napahawak ako sa dibdib ko. Napahawak pa ako sa bibig ko... (gusto kong mapasigaw...di ko alam kong anong isisigaw ko.) Hindi ko tinantanan ang kuwento.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...