HIDE AND SEEK

18 1 0
                                    

VIOLET'S POV



Hindi ko isinama si Xam sa kasal ni Sadam. Hindi rin niya nakilala ang anak namin ni Max. Napagkamalan naman nilang dalawa na si Xam ang bago kong boyfriend. Halatang bitter si Max. Seloso pa rin siya. Hinayaan ko sila sa mga sari-sarili nilang mga sapantaha kung sino si Xam. Makikilala rin nila si Xam sa takdang panahon.



Panay kasi ang tawag ni Xam habang nasa reception ako. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya kaninang umaga. Sinikap kong makahabol sa simbahan. Usapan ng barkada, doon kami magkikita-kita. At syiempre, kasama si Max sa barkada. Nagkita kami at nagkatabi kami sa simbahan hanggang sa reception. He hasn't changed. Gentleman pa rin siya pero kapag sinumpong pasimple ka niyang ibu-bully. Mapang-asar pa rin. Natural na sa kanya iyon.



Hindi ko siya masyadong pinapansin kahit kausapin niya ako. Why do I feel like giving up? Yes, giving up in the sense na, hindi ko na rin siya matiis. How I like to get kissed again by him? Ma-i-excite tiyak si Xam kapag nalaman niyang nandito na sa Pilipinas ang kanyang ama. Tiyak na kukulitin niya akong magkita sila. Quiet muna ako at pinakikiramdaman ko ang sitwasyon. Tiyak na kapag hindi pa niya nakita si Max sa telebisyon sa Fashion Channel na pinanunood niya, magrereklamo na siya.



"Mommy, come home early...pleaseeeee!" Hindi pa nga kami kumakain eh pinauuwi na niya ako. Panay ang tingin sa akin ni Max kaya sinasamantala ko ang pagkakataon na makita siyang naiinis. Nakakatawa ang mukha niya. Hindi siya makapagwala. Wala siyang mapagbalingan ng kanyang inis.


"Mahal mo siya?" Hindi na siya nakatiis kaya nagtanong na siya.


"Huh!Ako ba ang kausap mo?"


"Mahal mo si Sam? Pogi ba 'yon? Mas malakas ba ang dating niya kaysa sa akin. In fairness ha! may nanligaw na rin sa iyo?" Pang-iinsulto pa niya sa akin. Ganoon talaga si Max. Akala mo, siya lang ang may karapatan sa akin. Akala mo, pag-aari niya ako at wala na akong karapatang lumigaya sa piling ng iba. Na para bang gusto niyang sabihing, sa kanya lang ako liligaya. At ako ay sa kanya, siya ay akin lang. (Parang linya lang ng kanta.)



Anyway, ganoon na nga. May anak na kami ng di niya alam. At wala naman akong balak na makipagmabutihan sa iba maliban nga lang kung magbago ang ihip ng hangin ngayon. Kapag tinoyo din ako eh, baka lalo akong makipagmatigasan sa kanya. Paano ko ba sisimulan ,Max?



Ito na ba ang tamang panahon upang magsimula tayo ng panibagong buhay...ng totoong buhay sa piling ng isa't isa. Angdami ng nangyari. Nagkalayo tayo, nagbalik ka, nagkita tayo at ngayon, ano naman ang hirit natin sa tadhana?



Tumunog ang aking cellphone. Tamang tamang papasok na ako ng sala. Si Max ang nasa linya..."Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Nasilip ko si Xam at kasalukuyang nanunood ng cartoon network . Nakita niya ako at kumaway siya sa akin. Okay na siya. Mas busy si Xamxam sa pinanunuod niya kaysa bantayan ako kung sino ang kausap ko. Naging ugali na niya iyon, huwag lang na malayo ako sa kanya. Huwag lang na di niya ako makita.



"Hindi puwede. Busy ako." Niyayaya niya akong lumabas. Parang date. Hindi ako pumayag. Nagdahilan ako na busy sa ginagawa ko.


"Kahit kailan ay wala akong panahon para sa iyo, gets mo!" Anglupit! Titingnan ko ngayon kung gaano kahaba ang pasensiya niya at kung sincere ba siya sa paghingi ng sorry. Huwag lang kaming umabot sa kama. Ahhh! lintek lang talaga. Magkakasukatan kaming dalawa at hindi ko masasabing magiging malakas akong iwasan ang tukso kung si Max na ang kaharap ko. Sa ngayon, nagagawa ko pa rin siyang iwasan at takasan pero alam kong darating ang panahong magkakabistuhan kami.


"Why don't you find someone else na magtitiyagang makinig sa iyo?" As if naman, hindi ako sanay sa mga kuwento niya. Naghahanap si Max ng makakausap. Ilang saglit pa ay narinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya.


"Huwag mo akong daanin sa iyak." Sinisikap kong hindi banggitin ang pangalan niya. Alam niya ang ibig sabihin noon. Hindi naman siya ganito kaiyakin noon. Ewan ko, mukhang dinadramahan lang niya ako.


"Tigilan mo nga ako...I'll hang up ..." Pero nakiusap siyang huwag mo na. Hayaan ko na lang muna daw na magsalita siya at sabihin ang mga gusto niyang sabihin habang nasa kabilang linya siya. Kapag magkaharap daw kasi kami, iba ang gusto niyang gawin.



Nakinig ako hanggang sa tumulo ang luha ko. Hindi ako makasinghot. Tahimik ako saka ko pinindot ang red button dahil hindi ko na kinaya.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon