VIOLET'S POV
Five years old na rin si Xam. Matapos ilibing ni Paris, doon ko nalamang buntis ako. Natuwa silang lahat pero pinilit ko si Mama na itago sa lahat maliban kay Tita Ana. TIta is expecting too much na apo niya si Xam. Hindi ko pa rin masabi ang totoo.
It would take some time. She has the same features as his father. Nakuha niya ang ngiti ni Max at ang malago nitong buhok. Nakuha niya sa akin ang mapupungay kong mga mata, ang manipis at mapupulang labi at ang mahahabang biyas ng hita at binti.
Hindi ko itinago sa kanya ang totoo.
"Max Oliveros is your dad but his screen name or rather his another name is Maximus Oliver." Kaya inilayo ko kaagad si Xam. Matapos kong manganak sa probinsiya, lumuwas kami kaagad ng Maynila.
"When can I see daddy, Mommy?"
"Soon, XamXam...Soon, Sweetie."
Ngayong nandito na si Max...paano kung magkita kami? Masabi ko kaya sa kanya ang totoo? Anong inaasahan ko sa kanya? Hindi ko masabi kay Xam na baka nga hindi pa siya makilala ni Max dahil hindi rin niya alam na nag-i-exist siya sa mundo.
Nakita ko sa ibaba ng mesa ko ang magandang flower arrangement. Kahapon pa iyon. Nakaalis na kami ng biglang dumating si Max. "I came to seek forgiveness. I have never forgotten my Violet, all these years" ang sabi ng card. Hindi ko na nga makalimutan si Paris, lalo pa si Max dahil palagi kong nakikita si Xam sa kanya. Ipinatawag ko ang cleaning staff ng opisina at ipinakuha ang mga bulaklak. "Conrad, pakitanggal ng basura sa ibabaw ng mesa ko." Hindi ko alam kumbakit iyon ang nasabi ko.
Nagpunta ako sa infodesk ng opisina at sinabi ko na huwag papasukin si Max kahit may id pa ito lalo na kung ako ang hahanapin. Sabihin na wala ako doon.
"Eh, pero Ma'am..."
"Wala ng pero, pero...Basta sundin mo na lang ang gusto ko.Sabihin mo wala ako dito." Nakatingin sa akin si Melanie habang kausap ang receptionist.
"Bakit mo kinausap ang receptionist?" NIlapitan na niya ako
"May sinabi lang ako..." Umalis kaagad ako habang titig na titig siya sa akin .
"Bakit? Ayaw mo nang makita si Max dito?" Sabi niya sa akin. Naglalakad kaming pareho.
"Melanie..." Sabi ko at pumasok siya sa cubicle ko.
"Hindi mo pa ba napapatawad si Max?" Sumunod siya sa akin at hindi niya ako tinantanan.
"Melanie, hindi sa ganoon?"
"Natatakot ka?" Iniwasan ko si Melanie. OO, may konting kaba, may konting takot. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin. Bakit ako nalilito ngayon na magkaharap sila ni XamXam? Excited pa naman ang anak ko. Umalis si Melanie. Alam niyang hindi ako handang pag-usapan ang tungkol kay Max at Xamxam.
Pero pagdating ng bandang alauna ng hapon, hindi ko napansin ang komosyon sa labas. Hangos si Pido sa pinto ng aking cubicle."Miss Violet, naku nagagalit si Mr. Oliveros." Hingal pa siya. "Bakit daw po ninyo siya pinagtataguan? " Bigla akong napatayo. Inihinto ko ang pagtatyp sa aking laptop. Ano bang problema nitong si Max?
Ipinagtabuyan siya ng mga guwardiya at hindi ako lumabas. Nakabalik na nga si Max. Gumagawa na naman siya ng gulo at malamang hindi niya ako tantanan. Kapag nangyari iyon, tiyak na wala na akong takas sa kanya.
Pero nagpagabi ako ng konti at malamig na ang simoy ng hangin kahit halos nasa gitna kami ng siyudad. Wala namang humablot sa akin. Walang nagpasok sa akin sa loob ng kotse. Maayos naman akong nakarating sa condo ngunit pagkasarang – pagkasara ko ng pinto ay may biglang nagdingdong.
At sino naman kaya iyon?
Pagbukas ko, si Max ang nasa pinto.
Nagkatitigan lang kami hanggang sa lumabas si Mama.
Gulat na gulat siya. "Max... Violet, hindi mo ba papapasukin man lang ang bisita mo?" Anong bisita? Buwisita siguro!
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...