I live independently now. I prefer to live on my own right after I graduated and started earning money. Yes, I manage to live in a not so expensive but cozy and warm house na parang pam-bachelorette's pad lang ang dating. May sarili akong bakuran, garahe at up and down ang bahay na iyon.
Ideal house ko ito. For the longest time now, unti-unti ko na itong hinuhulugan para balang araw ay maging akin. Ironic, akong babae ang nag-iisip na mag-uwi ng lalaking patitirahin ko dito. Ang unang palapag ay napaliligiran ng salamin tulad ng Full House ni Jessie. Ang bakuran ko ay tulad ng kina Cheong Song Yi at Do Min Joon sa My Love from the Star . May swing doon na katulad lang sa City Hunter ni Nana na nasa roof top ng tirahan niya. Pagpasok mo ay makikita ang sala sa condo unit ni Do Min Joon karugtong ang working area ko tulad lang ng study area nina Sulli at Minho , slightly parang lakihan lang ng konti upang kasya doon ang isang computer at printer pero malapit sa bintana tapos overlooking sa aking bakuran .
Ang mga built in shelves doon ay puno ng iba't ibang uri ng libro sa pinakamataas na bahagi, sa ikatlo lebel naman nakasalansan ang mga librong nai-publish ko na under my name sa loob ng tatlong taon. Sa ikalawa naman nakasalansan ang mga kuwaderno na ginamit kong draft sa mga kuwentong ginawa ko at sa pinakababa at una ay mga bagung- bagong mga kuwaderno, kahon ng ballpen at gelpens na iba't iba ang kulay, mga high lighter pens, supplies ng ink, bondpapers na long at short.
Ito ang pinakagusto kong bahagi ng aking bahay kasi tuwang tuwa akong pinagmamasdan ang bookshelf na ito. Nakangiti akong tinitingnan ito pataas- pababa habang nakasampa ang aking paa at humihigop ng mainit na kape.
I have gone this far as a writer. Look at my books, naging bestsellers ang lahat kahit piling pili ang mga ito. Hindi ko basta naisip ang mga plot ng librong iyon. Lahat ng iyon ay may pinanghugutan. Lahat ng iyon ay mahalaga sa akin. Masyado lang talagang malawak ang aking imahinasyon .
Lahat ng isinulat ko ay hango sa tunay na pangyayari kaya siguro ito tumatak sa puso ng aking mga mambabasa kasi ramdam nila kung ano ang pinagdadaanan ni Ms. Otor. Dahil doon, sinikap kong itago ang aking katauhan sa ibang pangalan. Gumamit ako ng pen name dahil sa totoo lang nahihiya ako noong una dahil medyo may kahalayan ang aking isipan. Dala iyon ng aking imahinasyon, hindi ko iyon maiiwasan dahil doon nabubuo ang isang kuwento.
Bukod sa imahinasyon, INSPIRASYON ang higit kong kailangan kaya kung hindi dahil kay Max... tiyak kong hindi ako makikilala bilang si CODE VIOLET. Syiempre, dadagdagan natin ng EMOSYON. Kahit may imahinasyon at inspirasyon kung kulang sa damdamin, hindi mabubuhay ang kuwento.
Bigla akong napasalumbaba habang iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid. "Sapat na ba ang ganitong buhay? Parang may kulang?" Lisensiyado akong teacher, isang writer at author ng mga romance novels but I got no romantic moments with anyone.
Napapakilig ko sila pero walang nagpapakilig sa akin. Puro ako hugot, puro imahinasyon pero malayo sa katotohanan ang kuwento ng aking buhay. Paano ba nasusukat ang tagumpay? Tagumpay na bang maituturing ang tinatamasa ko ngayon?
Isang malaking kabaliktaran...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantikA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...