VIOLET'S POV
Hindi namin kailangang ma-in-love sa isa't isa. Subukan lang daw namin kung paano ba ang gusto naming siste sa magiging relasyon namin in the future para daw mapaghandaan namin. Magiging girlfriend ako ni Max at magpapanggap siyang boyfriend ko.
"Max..."
"Hmm, Violet..." Lumipat na si Max sa sopa dahil baka madatnan kami ni Mama sa ganoong ayos eh baka pagbawalan na sIya sa susunod na umakyat sa loob ng kuwarto ko at magbabad sa loob nito. Hindi na namin mai-enjoy ang company ng isa't isa. "Handa ka ba?"
"Max, hindi ako sigurado. Kinakabahan ako."
"Nandito naman ako eh."
"We both want to be in a relationship. Pagbigyan mo na ako. Just act as my girlfriend. Iyon lang naman ang gusto ko eh. And I'll act as your boyfriend. Kahit anong ipagawa mo sa akin, magpasundo ka, susunduin kita. Ipabuhat mo ang bag mo sa akin, okay lang. Kung gusto mong ihatid kita, ihahatid kita pauwi dito sa bahay , basta dito na rin ako kakain."
"Max, kinakabahan ako."
"Nandito ako, Violet. Makakaya ba kitang iwan? Matitiis ba kita?"
Sabay kaming lumabas sa kuwarto ni Violet. Kasalukuyan pa lang ding kumakain sina Mama at Tita Cherry. Dito na rin nakitulog si Mama kaya pala ang lakas ng loob niyang iwan ako at dito na rin makitulog. Tahimik kaming pareho ni Max.
"Ano na naman ang pinagpuyatan ninyong gawin?"
"Huh! " Gulat na gulat ako sa sinabi ni Tita Cherry.
"Tatanggi pa kayo eh dinig na dinig ko na nanunuod kayo ng K-Drama." Malakas pala ang volume ng tab ko at dinig na dinig pa sa labas ng kuwarto.
"Naku, Violet. Anglaki ng eyebugs mo!"
"Saan po ba kayo galing ni Tita Cattleya?"
"Nag-notify ang bangko na dumating na ang remittance ng Papa mo" Sabi ni Mama. "Sabi ng papa mo, ipaayos na natin ang buhok mo tutal malapit na ang JS Prom ninyo."
"Talaga po?" Tumango si Mama.
"Hmm, ikaw naman, Max. Ipapatanggal na natin ang braces mo at papapalitan na natin ng contact lens ang salamin mo."
"Bakit po?"
"Anong bakit po? Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend dahil dyan sa ayos mo. Baka hindi ka makahanap ng magandang babae pagdating ng panahon."
"Puwede naman po naming pagtiyagaan ni Violet ang isa't isa?" Sabay akbay ni max sa aking balikat at kinalas ko kaaagad ang kanyang pagkakaakbay. Nakatawanan ang mga mama naming dalawa.
Kanina pang wala si Max. Nagsusuklay ako ng aking buhok habang nakaupo sa sopa. Nasa harap ako ng aking laptop at nagmumuni-muni. Muli kong naalala ang paghalik ni Max hanggang sa paggising namin kaninang umaga.
Angsarap matulog na katabi si Max. Anghimbing ng tulog ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Angcute niyang tingnan paggising niya sa umaga. Para siyang bata na pupungas-pungas pa sa harap ko. Sabay hikab at muling hinigpitan ang yakap sa akin.
"Oh, Max..."
Automatic nang nakabukas ang Wattpad account ko, pagbukas ng laptop ko. Unahin natin sina RayEarth at Earthina at ang kanilang pakikipagsapalaran bilang kambal. Seryoso kong kinopya ang buong kuwento sa laptop. Kapag nakikita kong may mas maganda eksena, pinapalitan ko kaagad. Sa tulong ng notebook, nababalikan ko ang mga characters na nakakalimutan ko sa kuwento para hindi ko na kailangang mag-edit ng mag-edit.
Matapos kong i-publish ang kuwento ng kambal isinunod ko ang kuwento ni Max.
Curious ka ba kung ano ang kuwento ni Max? Max has always been my favorite character because he has the same name as my best friend.
#walangforeversataongdikayangmagkunwari
(Huwag paglaruan ang pag-ibig. Huwag magkunwari.)
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...