NIGHT WITH VIOLET

30 0 0
                                        

VIOLET'S POV



Sa isang hotel ginanap ang aming Junior-Senior Prom. Sinamahan pa rin kami nina Tita Cattleya at ni Mama. Nasa front seat si Mama at si Tita Cattleya ang nagdrive ng kotse. Magkatabi kami ni Max sa backseat. Sumandal ako sa upuan habang nakaakbay sa akin si Max.



"Ano, Cattleya? Anong say mo ? Sa tingin mo ba magkaka-boyfriend na si Violet?" Dinig kong tanong ni Mama kay Tita Cattleya.


"Mars naman, sana nga dati mo pa 'yan ginawa. Tiyak kong pipilahan siya ng mga lalaki sa bahay ninyo. Baka mahilo siya sa kapipili ng magiging boyfriend."


"Mama... Tita Cattleya naman. Tama na po..."


"Ehem..." Tumikhim si Max.


"O bakit may nagri-react? " Tanong ni Tita Cattleya.


"Anong pipilahan? Eh tiyak, si Sadam lang naman ang uuna sa pila."


"ANOOOO!" Hinampas ko si Max sa balikat at itinulak.


"Sus, di ba ngaaaa! Halos kidnapin ka niya para magpakasal kayo sa Marriage Booth.Kunwari ka pang aayaw-ayaw."


"Uy, tama na 'yan Max, Violet."


"Heto po kasi..."


"Anong ako? E di magpapaligaw ka na ngaaaa!"


"Hindi nga sabi..." Sigaw ko. Hay naku, mukhang makukulot kaagad ang buhok ko sa ginagawa ni Max.


"Enjoy the night ha!" Ito kasing sina Mama eh inumpisahan yung usapan tungkol sa mga manliligaw. Hayan tuloy...Hindi ko maintindihan dito kay Max kumbakit pinapatulan ang usapan ng matatanda. Natatawa tuloy sila sa reaksyon niya.


"Mama, susunduin po ba ninyo kami?"


"OO, kami pa rin ni Tita Cattleya mo ang susundo sa inyong dalawa. Ipagdadala na rin kita ng damit."


"How about you, Max Honey?"


"Okay lang po, Mama...Puwede po ba tayong mamasyal sa baywalk mamaya bago umuwi? Idi-date ko lang po si Violet..."


"Date! As in Idi-date mo si Violet..."


"Maxxx!"


"Maganda kaya doon kapag gabi. Punta tayo. May magdi-date ba na kasama pa sina Mama?" Nagkatingnan ang dalawa.


"OO nga naman Violet." Sabi ni Mama.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon