VIOLET'S POV
Maaga akong pumasok at nanatili ako sa loob ng aking kotse. Napaiyak ako. Natatakot ako dahil baka kapag nakita ko si Max, magbago na naman ang damdamin ko. Siguro nga kailangang kong siguruhin na hindi rin ako nadadaya ng aking damdamin para kay Paris. Ah, bakit ang hirap magdesisyon para kay Paris? Bahala na....
"Insan, uuwi na ako. I am excited to see Violet. Ano? Binabantayan mo ba si Violet para sa akin. Ikaw ha! hindi ka nagkukuwento. May nabalitaan ako, nasa Maynila ka daw? Dinalaw mo ba si Violet? magkuwento ka naman... Na-miss ko si Violet...."
Iyon ba ang dahilan kumbakit nandito si Paris...para bantayan ako... para dalawin? Wala naman sana sigurong mangyayari sa amin ni Paris kung hindi lang niya ako natyiempuhang lasing at wala sa sarili. Ako din ang dahilan kumbakit siya natukso dala ng wild imagination ko. Hindi naman ako naghysterical na parang na-rape ako pagkatapos.
Pero nang marinig ko ang kanyang mga sinabi... walang ni isang tibok akong naramdaman. Hindi man lang ako excited na makita siya. May gana pa siyang umuwi at magpakita sa akin. Bakit makikipagbalikan ba siya sa akin? Who the hell is he? UUwi dito at magdadala ng fiancée tapos kapag hindi natuloy, babalik sa akin. Hello...Okay lang siya?
Biglang sabi ni Paris, I'll go home...Saan siya uuwi? Tingnan mo ang ugali ng magpinsan na ito. Talagang nakakasagad ng pasensiya. Iyon ang di malinaw sa akin. Sumubsob ako sa manibela kasi parang litong lito ako sa sitwasyon ko. After composing myself , umakyat na ako sa opisina at ibinigay ko ang USB kay Melanie para mabasa niya sa kanyang monitor ang kuwento. Tumalikod na ako. Halatang niyang ayokong makipag-usap kahit kanino.
Nasa pagmumuni-muni ako ng tumunog ang aking phone...si Paris.
"Violet, I'll just go home." Saan nga siya uuwi? Angkulit naman niya...
" Alam kong hinihintay mong umuwi si Max. " Sinong maysabi sa kanya na hinihintay ko pa si Max? Isn't it enough that we had a closed book already? Wala na siyang babalikan dito.
"By the way, I am sorry. " Now he is telling me, he is sorry... Samantalang dati, he is the least person to have regrets.
"I didn't tell you the truth. " Kasi matagal ko na ring nalaman ng hindi natuloy ang kasal. Sa kuwentong ginawa ko, talagang sinabi ko doon na pagsisisihan niya ang pagpapakasal sa babaeng di naman niya mahal. Wala namang tumutol sa kasal kaya lang nagkabukingan na... And that is just a WATTPAD story ... malay ko ba na magiging totoo pala sa buhay niya. Sinasadya kong gawin ang kuwentong iyon dahil galit ako. (Masama pala kapag galit na galit ka. Iba ang nangyayaring sumpa.)
Sinabi sa akin ni Mama na timbangin ko ang lahat kapag umuwi si Max. Pero dahil tinanggap ko si Paris sa bahay, pinatuloy at pinatira ko na sa bahay, kajug-jugan ko tuwing gabi sa kama, hindi pa ba sapat na kasagutan iyon sa kanyang mga tanong.
"Sakim siguro ako para ilihim sa iyo ang totoo." Hindi naman kasakiman ang magmahal. After all , I am single, free and ready to mingle.
"Hindi natuloy ang kasal ni Max at Fiona. " Why do I care kung hindi natuloy ang kasal ninyo? Problema na ninyo iyon.
"He is excited to see you. " Siya na ang exicted. Ako? Hindi, natatakot ako dahil baka talagang mahal ko na si Paris. Sino ang mas malulungkot? Ako pa ba?
And I don't know why Paris had my picture inside his wallet. It's a high school pic. Nakasalamin ako at buhaghag ang buhok ko at medyo madami akong taghiyawat sa mukha. Hindi ko man lang siya naitanong kung saan niya iyon nakuha.
Maaga akong umuwi since, approved naman ang kuwento. Medyo sad nga lang daw ang ending but it was a nice try.
"May problema ba, Violet" tanong ni Melanie , umiling na lang ako at ngumiti saka nagtuloy sa cubicle ko at naghintay ng uwian.
Pero bigla akong natigilan. Walang anu-ano ay napatayo ako..."Nooo...Nooo..." Hindi kasi kami nag-usap ng maayos ni Paris. Bigla kong naisip...Saan siya uuwi? No, it can't be? NOOOO.... Kinuha ko kaagad ang bag ko. Nakasalubong ko si Fatima.
"O, Violet, bakit nagmamadali ka?"
"Kailangan kong abutan si Paris."
Hindi ako makapaniwala. Pagdating sa bahay, kinabahan talaga ako. Umakyat kaagad ako sa kuwarto at binuksan ang cabinet. Just an instinct. Wala na ang gamit ni Paris. Pero napansin ko ang damit niya sa ibaba ng aking kama. Puro dugo ang damit pati pantalon niya. "Ano kayang nangyari?" Kinontak ko ang numero niya ngunit out of reach ito. I know, he went home. Umuwi siya sa probinsiya.
Anggaling ng magpinsan na ito. Matapos makigulo sa buhay ko, heto at iiwan akong mag-isa. I still have time to go home. Nagmadali ako at wala akong pakialam kahit matraffic ako basta kailangan ko siyang makausap kumbakit siya umuwi at iniwan ako.
Bakit ba Violet, hindi ka na natuto? Sabi mo dati, pareho lang sila pero natikman mo lang si Paris at nagkasundo kayo sa kama, bumigay ka na at nakalimot. No, relationship shouldn't be like this.
I want a true relationship and before I lose everything... even my sanity...I should to make things clear with Paris. AAMININ KO NA SA KANYA NG HARAPAN....
MAHAL KO SIYA....

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomantikA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...