MAX'S POV
I almost break down in tears. Kausap ko lang si Violet sa cellphone. Gusto na niyang ibaba ang tawag na iyon pero nakiusap ako. Iniiwasan niya ako. Ayaw niya akong makita. Ayaw rin niya akong makausap. Hawak-hawak ko ang kahon ng singsing na balak kong ibigay sa kanya once na pumayag siyang makipagbalikan sa akin. I am ready to marry her at all cost. Pumayag lang siya ngayon.
"Bakit mo naman naisip na yayain si Violet ng kasal na parang siguradong sigurado kang papayag siya?" Sabi ni Mama. Nakakahiya pero nanay ko pa ang walang tiwala sa akin. Hindi na lang ako umimik kasi alam kong galit siya sa ginawa ko kay Violet noon. Nasaktan ko pa si Paris hanggang mamatay ito.
"Violet, mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Gusto ko sanang punan ang mga panahong nagkalayo tayo. Bumalik ako para buuin ang mga pangarap natin ang mga pangako ko sa iyo." Matagal na daw niyang kinalimutan ang mga pangakong iyon. Hindi na daw siya umasang isang araw ay magkikita kami dahil sa totoo lang, hindi siya handang magpatawad ngayon. Iyon ang pinakamasakit na katotohanan sa mga sinabi ni Violet.
"Violet, parang awa mo na...Bigyan mo ako ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na kahit kailan ay hindi nagbago ang pagmamahal ko . Nadala lang ko ng emosyon ko at ng matinding pagnanasa na makasama ka kaya ko nagawa ang..." Bigla niyang pinatay ang tawag na iyon. Tinawagan ko ulit siya pero busy na ang linya.
"Violet...Violet..." Nasa harap ako ng bote ng alak sa labas ng aming bakuran.
"Tigilan mo na nga ang pag-inom mo dyan. Ano bang gagawin ko sa mga papeles na ito?" Sabi ni Mama. Titulo iyon ng dating bahay ni Violet. Nangangahulugan lang na akin na ang bahay na iyon.
"Mama, baka puwede pong ipalinis ninyo ang bakuran. Gusto ko sanang bumalik ang dating sigla ng bakuran ng bahay na iyon noong huli kong puntahan. Mas gusto ko sanang tumira doon kasama si Violet."
"Hindi ka ba sadista kalahati, doon mo pa rin ititira si Violet eh maraming malulungkot na alaala ang iniwan doon ni Paris. Wala ka ba talaga sa sarili mo?"
"Mama, mahal ko si Insan Paris. Mahal ko rin si Violet. It's no big deal."
"Hay ewan ko sa iyo. Sa halip na kinakalimutan na rin ni Violet si Paris eh lalo mong pinabibigat ang kalooban noong isa."
"Mama naman eh. Anong gusto ninyong gawin ko , ibalik ko 'yong bahay sa may-ari?" Para tuloy akong nagsisisi kumbakit ko binili ang bahay na iyon. Ideal house kasi namin iyon ni Violet. Nang pasukin ko iyon sa unang pagkakataon, confirm na iyon talaga ang gusto ni Violet so I don't think she really to meant to give it up. Nadala lang siguro siya ng kanyang emosyon pero alam kong pagsisisihan niya iyon sa bandang huli. Hay, kilala ko si Violet. Hindi niya basta igi-give up ang isang bagay. Pero tulad ngayon, akin na talaga ang bahay na iyon. Puwede na akong lumipat anytime na maisipan ko.
"Hindi ka kasi nag-iisip..." Sabi pa ni Mama. Heto na naman kami. Magsisisihan nanaman. Wala ng katapusan ito. Minsan nakakapikon na rin. Wala lang akong magawa kundi makinig at labas sa kabilang tenga.
"Violet...VIOLETTTTT!" Sumigaw na ako sa sobrang habag ko sa sarili. Successful ang career ko , walang duda. Madami ang nakakikilala sa akin. Madami ang humahanga sa akin pero at the end of the day, I am a loser. Malungkot ako dahil wala si Violet.
Sa tuwing babalikan ko ang mga pangako kong napako lang naman eh, gusto ko nang iumpog ang ulo ko. Masyadong umakyat sa ulo ko ang kasikatan. Hindi ko inisip na sa bandang huli, pamilya ko pa rin ang aking tatakbuhan kapag hindi na ako sikat.
"VIOLETTTTT! VIOLETTTTT!"
"Max, tumigil ka nga dyan at nakakabulahaw ka ng kapitbahay.Gusto mo bang ireklamo tayo sa Homeowners."
"Mahal kong Violet, bumalik ka na♪" Ah, kung nandito lang si Violet, siya na ang magpupunas ng maligamgam na tubig sa mukha ko para mahimasmasan ako. Pero hindi eh, mag-isa lang ako ngayon. Humiga ako sa mahabang bench sa aming bakuran at tinanaw ang langit sa aking harapan. Madaming bituin. Nakatingin sila sa akin. Siguro ay tinatawanan nila ako sa mga kabaliwang ginagawa ko ngayon. Tumulo ang luha ko. Mukhang ito na lang ang kaya kong gawin. Magdrama at umiyak sa telepono. Magmakaawa kay Violet.
Sana dumating ang araw ng mapatawad na niya ako.
I am looking forward to it. Sana nga eh now na.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomansaA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...