Si Max, ang aking childhood friend, ang aking bestfriend at ang hinihintay na tadhana ng aking buhay. And Max is not just a fictitious character in any of my stories. He is a real living character I love in all my works. Whatever I want for my life in the future, lahat ay nailagay ko na sa kuwento. And what I fear most is to make a story about us in the future... Yes I fear what will happen in the future. I can not even predict what comes our way lalo pa ngayon. Kalaban ko ang tadhana. Kaya ba iyon kontrahin ng mala-witch na imagination ko.
Matagal na kasi kaming hindi nagkita. Marami na ang nagbago. Malayo na ang agwat ng aming buhay. Pang – International siya at ako , isang teacher ... or should I say, dating teacher sa pribadong paaralan at dati ay isang anonymous author ng Wattpad but slowly going out of my shell. They are getting curious who's behind the stories "Ang Isang Linggong pag-ibig ni Max" na tumatak sa puso ng mga kauna-unahan kong followers sa Wattpad na pinagbidahan nina Sulli ng F/x at Choi Minho ng SHINee.
Si Max ang nagturo sa akin kung paano ko maibabahagi sa iba ang mga kuwentong likha ng mayaman kong hiraya. Siya ang unang nakadiskubre ng talent ko sa pagsusulat. Palagi niyang sinasabi sa akin na masyado daw akong palaisip. Patingin-tingin, patawa-tawa pero ang isip ko pala ay kung saan –saan ng dimensyon ng mundo nakapunta. Natatakot nga si Max sa akin dahil baka pati daw siya ay pinagpapantasyahan ko.
"Ugok! You ' re the least person I could ever think of..." Pero etchos lang iyon. Kwidaw! Nahubaran ko na siya sa imagination ko. I made love with him unknowingly even in my widlest dream. Natural, gusto ko si Max. Hindi ko lang siya gusto, mahal ko na siya. At ang mga tulad kong mapangarapin, tameme sa harap ng iniibig. If I could only say what I mean... I could have confessed a long time ago...
And if long time ago and once upon a time exist in fairytales... how I wish my life with Max is also a fairytale full of wishing whells and fantasy and even in the 31st century they exist for real. I fear that my story becomes real...Natatakot ako dahil baka hindi ko kayanin kung hanggang sa kuwento lang pala kami magkakatuluyan ni Max.
"Subukan mo na Violet. Walang masama kung susubukan mong ilabas na ang matagal mo nang kinikimkim na pagmamahal para kay Max. For sure, inaamag na ang feelings mo. Kung cheese lang 'yan tyak na may perfect taste na 'yan. Kung alak lang 'yan , naku, ang lasa ay talagang sinubok na ng panahon.Well, atleast kahit man lang sa kuwento , nagkatuluyan kayo. Huwag mo nang pigilin...(Sabi ng co-author ko sa publishing house kung saan ako nagtatrabaho...)
Lahat kasi ng isinusulat ko, kapag si Max ang bida... maganda man o hindi ang pangyayari, lahat ay nagkakatotoo sa kanyang buhay. I started hating my words lalo na kapag inumpisahan ko nang isulat. Nagkakaroon siya ng buhay parang may orasyon, may mahikang bumabalot dito. Nakakatakot di ba! paano kung namatay si Max sa kuwento? Mamamatay di ba siya? Pero noong isinulat ko sa kuwentong nasunugan sila, abah! nasunugan nga sila... Noong sinabi kong magbi-break sila ng girlfriend niya in a matter of one week... abah! ginising niya ako isang umaga , umiiyak dahil break na sila ni Maegan. Me-ganoon talaga!
"Gagana ba ang LOVE SPELL sa iyo? Magpakilala ka na sa mga followers mo. Masyado ka kasing pa-mysterious. Malay mo, makilala mo na si Mr. Right sa mga followers mo o kaya sa mga readers mo. "
Nag-isip-isip ako. Ginawa kong maganda ang bawat kabanata sa buhay ni Max sa mga kuwento ko at hayun nga, imagine mo... na-discover siya ng isang Scout Manager para sa isang photo shoot ng mga damit at hanggang ngayon, namamayagpag ang pangalang Maxwell sa larangan ng Fashion Modelling. Makikita na ngayon ang kanyang mga larawan sa naglalakihang tarpaulin sa EDSA. Napapalingon ang mga dalaga sa kanya. Maging sa mga International Fashion Modelling ay nagiging guests na siya. Napasali na siya sa America's Top Model: Male Edition... okay lang kahit hindi niya nasungkit ang ultimate winner, ang mapasali doon ay isang malaking oportunidad para siya lalong makilala sa industriya.
Hayun nga, iniwan niya ako.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Любовные романыA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...