MAX'S POV
Ito na yung chance na pinakahihintay ko. Hindi ko talaga inaasahan ito. Sama-sama kaming naupo ng mga kaibigan ko sa isang designated area para sa amin. Mabuti at pinayagan kaming magkakasama. magkatabi kami ni Violet. Kami rin kasi ang magkapartner sa sayaw. Tingnan mo ang ugali nila. Pero happy ako. Dahil para sa akin, kahit sino pa ang ipartner sa akin ng gabing iyon, si Violet ang pinakamagandang babaeng ka-partner ko ngayon.
Madilim ang loob ng venue. Matapos naming magsayaw ay ikinuha ko ng pagkain si Violet. Hindi ko na siya pinapila kahit pinipilit niyang sumama. Sinulyapan ko siya sa di kalayuan. Mukhang ako ang nagbago ng makita ko ang pagbabago sa kanya. Una pa lang si Albert... si Sadam, tiyak kong lalayo siyang aaligid kay Violet. Hindi ko siya mapipigilan dahil magkaklase kami.
Paano ko kaya mababakuran si Violet? Ah mahirap ang katayuan ko ngayon. Atsaka teka nga, bakit ba ako nagkakaganito ngayon kay Violet? Lalo tuloy kaming tampulan ng tukso ng grupo.
"Max, tapatin mo na kami... May gusto ka ba kay Violet?" Tanong ni Bojo habang nakapila kami para kumuha ng pagkain.
"Huwag nga kayong intrigero at chikadora...Tigilan ninyo kami."
"Masyado kang pahalata,Pare..."Sabi ni Sadam. Hinampas niya ako sa balikat. Tapik lang eh pero masakit ang tapik nilang iyon.
"Delikado ngayon si Violet...Ngayon ko lang nalaman na sleoso pala itong si Max" Sabi ni Rio.
"♪Kaibigan lang pala...Kaibigan lang pala...♪" Idinaan ni Red sa kanta. Hindi ko na sila pinansin. Mga papansin lang sila.
Hindi ko hinayaang isayaw si Violet ng kung sino. Hinanap pa siya ni Albert pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na maisayaw si Violet. Kakamut-kamot siyang umalis sa harapan ko. Pero tinabihan kaagad ni Sadam si Violet. Kitang kita ko ang pagpapa-cute ni Sadam kay Violet. Halos ingudngod na ni Sadam ang kanyang mukha sa sobrang lapit to think na nag-uusap lang sila sa loob. Masyado kasing maingay kaya tiyak na hindi sila magkarinigan. Nilapitan ko na nga sila. Naiirita kasi ako eh kapag nakikita silang sweet.
Pinatugtog ang pinakasikat na tugtugin sa prom at hindi ko pinalampas ang gabing iyon na isayaw siya buong magdamag.
"Violet...are you happy tonight?"
"Yes, Max... Very, very, very happy..."
"Pasensiya ka na sa inasal ko kanina..."
"bakit nga ba? Nakakahalata na ako sa iyo? Anong problema?"
"Mamaya, sama ka sa akin sa rooftop." Pamilyar sa akin ang lugar dahil doon kami nagkaroon ng pictorial kailan lang. Maganda sa taas dahil may terrarium sila at may swimming pool. May ilaw naman doon tiyak.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Storie d'amoreA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
