MAX'S POV
Gusto kong madaliin ang eroplano. Lilipad na kami pagbalik ng Maynila at mula London hanggang sa buong biyahe namin ay wala man lang talaga akong ganang kumain. Hindi ko kinuha ang pagkaing iniabot sa akin ng flight attendant kaya pati ang crew nila ay nag-alala.
"Sir, are you okay?" Eh kahit sabihin kong hindi, ano bang pakialam nila? Gusto ko silang sagutin pero hay, kailangan ko na lang manahimik. Hindi sila kailangang madamay sa kalungkutan ko. Quiet na lang ako.
"Iho..."
"Mama, okay lang po ako."
"Anak, baka ito na ang panahon para magdesisyon kayo ni Violet." HInawakan ko ang kamay ni Mama habang nakahawak pa sa braso ko. Tinapik ko iyon. "Soon, Mama... Soon..."
Sabay kaming umidlip ni Mama at sinikap naming pareho na makakuha ng lakas sa isa't isa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa mga oras na ito sa aking mag-iina. Pasensiya na kasi hindi ako perpektong tao. Madami akong kahinaan pero sa oras na ito, kailangan ko ng lakas ng loob na harapin silang tatlo sa kanilang kalagayan.
Angdaya...hindi na nga nila ako masasalubong tapos ako pa itong kritikal din. Buti pa sila, sasama – sama. Eh paano ako kung bigla nila akong pagkaisahan hanggang kamatayan? Nadala ko hanggang sa panaginip ang aking pag-aalala.
Napanaginipan ko si Violet sa loob ng mansion nina Red. Lintek na 'yan. Bakit naman iyon pa ang napanaginipan ko? Tsss, parang nang-aasar lang ang sitwasyon sa kabila ng seryoso kong pinagdadaanan. pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay nagmamadali na kami ni Mama. Kinasihan kami ng Diyos at nakakuha kami kaagad ng taksi.
"Kuya, sa St. Catherine Hospital po."
"Max..."
"Mama, lakasan po natin ang loob natin. Kailangan tayo nina Violet ngayon. Kumusta na kaya ang aking mga anak?"
"Mag- to- two years old na ang bunso ninyo, Max. Kamukhang kamukha siya ni Violet. " Hindi na ako umimik. Kung hindi pa sila naaksidente, hindi pa ako makakauwi. Kung hindi pa ito nangyari, hindi ko pa malalaman ang tungkol sa bunso ko. Angdaya nilang lahat.
Pagparada ng taxi sa tapat ng hospital ay hindi ko na naalala na may maleta pala kami. Hindi ko na nga hinintay si Mama. Patakbo ako sa information desk ng hospital.
"Miss, saan ko makikita ang mag-iinang Sulliven?" Tinitigan pa ako ng front desk officer...Bad trip naman eh.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
