VIOLET IS BACK

20 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Nagpalit ako ng WattPad Account. Pinalitan ko ang USERNAME at PASSWORD ng WattPad Account na iyon saka ko siya ni-log off. Hindi ko na matatandaan ang wattpad account na iyon dahil kung anu-ano lang ang username na inilagay ko doon pati password na hindi naman madaling tandaan. Hindi na iyon mapakikialaman ni Max.



Bumalik na ako sa Hillsborough Subdivision. Nagbabalak tuloy akong ipagbenta na lang ito dahil nandito lahat ang katuparan ng aming mga pangarap ni Max. Kaya lang hindi naman ganoon kadaling kalimutan si Max kaya hangga't nananatili ang pagmamahal ko sa kanya, mananatili muna ako dito. Kapag handa na akong lisanin ang alaala niya kasama ng bahay na ito, saka ko siya ibibenta.



Tuwang tuwa si Mrs. Garcia ng makita ako sa bakuran. Pati si Mrs. Chang ay natuwa din. Pinapasok ko sila sa loob ng aking bakuran at ipinaghanda sila ng mamimiryenda. Habang humihigop kami ng kapeng barako ay dumating din sina Mr. Cirilo at Mr. Jordan... Para kaming may reunion.



"Saan ka ba nagbakasyon?" Tanong ni Mrs. Garcia.


"Umuwi po muna ako ng probinsiya, sa San Juan."


"Hay, Violet... May nagpunta ditong lalaki..."


"Guwapong lalaki...Sino pa ang mas guguwapo sa akin?" Sabi naman ni Mr. Jordan at nagkatawanan kaming lahat. palabiro kasi ang matanda.


"Hindi ngaaa!" Sabi ulit ni Mrs.Garcia.


"Stalker mo lang iyon, Violet." Sabi naman ni Mr. Cirilo.



Natawa na lang ako. Pinaupo ko ang dalawang lalaki at naglabas ako ng suman. Masaya kaming nagkuwentuhan hanggang sa isa-isa silang umalis sa aking bakuran. Kapag umalis ako dito, mami-miss ko sila.



Nilingon ko ang bahay. This is totally my dream house. Ni hindi ko man lang nai-share kay Max ang tungkol sa bahay na ito. Simula ng turuan niya akong manuod ng KDrama, ilang Kdrama pa ang pinanuod kong mag-isa. Lahat ng bahagi ng bahay sa mga KDrama na nagustuhan ko ay dito ko ibinuhos sa mismong bahay ko. Ang kabuuan nito ay isang katuparan ng ideal KDrama Shooting Location House. Giving up this house would mean, leaving all the memories of Max. Entirely everything that has something to do with Max.



Naglinis ako ng bahay. Kinagabihan ay tinawagan kaagad ako ni Mama kung kumusta naman ako. Ikinuwento ko sa kanya ang pagdalaw ng aking friendly neighborhood.



"Kumusta ka daw, sabi ni Doc. Mukhang na-miss ka niya."


"Sabihin po ninyo, kahit kailan ay hindi ko siya mami-miss."


"Ikaw naman...."


"Hay naku si Mama. Hindi na kayo nadala kay Max. Magpinsan sila kaya pareho ang likaw ng kanilang mga bituka. One Max is enough..."


"Bigyan mo naman na pagkakataon si Doc."



Hay naku si Mama... Kinabukasan ay nagpasya na akong magtungo sa aking opisina. Madami akong tatapusin sa aking mga kuwento. And this time, Violet is much stronger than before.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon