VIOLET'S POV
Kilala ko si Max. Alam kong hindi siya magpapakita ng ganoon lang. Tiyak na nahihiya 'yun sa akin. Pero hindi niya alam, bago ko pa hanapin ang mga bata, siya ang unang nasa isip ko kung nabalitaan ba niya ang lahat. Inisip ko kung uuwi ba siya para sa amin. Hmm, umuwi nga siya. Inalagaan niya sina Xamxam at Mavi, madalas niya akong dalawin sa ICU pero hindi naman siya nagpakita sa akin noong magkamalay na ako at saka siya bumalik patungong London.
First time kong nakita at narinig na naghanap ng tao si Mavi at iniyakan pa ito. Sabi ni Tita Catttleya, hindi pa nga daw tumigil sa pag-iyak ang bunso ko hangg'at di nakakarating si Max mula sa condo. Nakita ko din ang mga fairy tale books sa kama ng dalawang bata. Sa tingin ko ay binabasahan niya ng fairy tale ang dalawa bago matulog. Sino kaya ang unang nakatulog, siya ba o ang mga bata? Aliw na aliw daw si Max kay Mavi.
Ang bunso ko ay carbon-copy ko. Nagkataon nga lang na lalaki siya.
"TIta, sa Batangas na lang po muna kami ng mga bata."
"Violet, kailangan mong magpatheraphy...iyon ang sabi ng doctor." From time to time ay dinadalaw ako ng doktor upang alamin ang estado ng aking paa. Kailangan ko kasing igalaw-galaw ito tulad ng dati. Mahabang panahon na itong naka-cast at maninibago ako sa paglalakad.
"Sa condo na lang po kami uuwi..."
"Ikaw ang bahala."
Pagkatapos ng libing ni Mama ay tuloy pa rin ang buhay naming mag-iina. Madalas ako sa ospital kaya naging kaibigan ko na si Dr.V. Mabait ang doktor sa akin at doon lang niya nalaman na isa akong writer.
"Wow, nice to meet your Miss Author." Sabi pa niya sa akin noon. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay ng mag-shake hands kami. "Mas maganda ka kapag wala kang benda sa ulo." Sabi pa niya.
"Salamat, Doc."
Tinanggal na rin ang neck brace ko pero dahan-dahan pa rin ako sa paggalaw ng buo kong katawan. Although halos tatlong buwan na rin kaya malapit na ako sa recovery period. Sa susunod ay puwede na ring i-elevate ang aking higaan. Puwede na irn akong itagilid sa kaliwa't kanan.
From time to time ay kailangan naming dumalaw sa ospital para sa aking feet theraphy. Natanggal na rin ang cast ko sa aking paa. Hinay hinay ako sa pag-i-ehersisyo ng aking paa. May therapist na nagpupunta sa bahay para imasahe ang aking paa upang tulungan ibalik ang pakiramdam ng aking mga nerves.
Nahiya tuloy ako kay TIta Cattleya. Siya kasi ang kasama ko sa bahay.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...