MAX'S POV
I resolved to move a bit instead of dwelling too much on my sadness being away from family. After all pamilya ko pa rin sila. Hindi sila kailanman nawala sa puso't isipan ko. Walang magagawa ang pagmumukmok ko.
Iniwan niya ako para makapagpahinga pero ipinagpatuloy kong magbasa online. I followed Violet on that account. I added all her books in my reading list. Bagong account ko iyon. Ayokong malaman niya na ako ito. Ibang pangalan na lang ang ginamit ko pero kung matalino si Violet, malalaman niyang ako si Max.
And I was thinking na busy si Violet. Hindi niya naikukuwento sa akin kung ano na ang alam niya sa kanyang Wattpad. Tiningnan ko at sinuri kung kailan siya huling nag-update ng kuwento. Tiningnan ko lahat kung kailan siya nagsimula. Mukhang napakadami na at baka mahirapan akong basahin lahat iyon.
Matapos kung tingnan lahat pati ang pattern ng kanyang updating... hmm, napansin kong ipino-post niya ang kuwento ng isang bagskaan lang. Ah siguro, tinatapos muna niya...well, that's the case with her other books. Iisang date lang eh. Makikita naman doon kung kailan na-publish at kailan huling nag-update at kailang nakompleto ang libro.
Hindi ko alam kong anong oras akong nakatulog. Niyugyog na lang ako ni Hill. I have to be ready for work.
Mabilis akong nagbihis para di ako mahuli sa photo shoot namin. Saglit lang at heto na si Hill. Binilhan na niya ako ng almusal. Umuwi kasi si Mama sa Pilipinas at sa susunod na linggo pa ang uwi niya. Pansamantala, siya muna ang umaasikaso ng lahat kong pangangailangan. Hindi ko kinalimutan ang aking tablet. Mabuti na lang at fully – charged naman iyon.
May pamilya din si Hill. Akala ko nga dati, bading siya o silahis pero hindi naman pala. Sanay na daw siya sa iniisip ng iba. Malalaki na ang mga anak niya at ang panganay niyang babae ay nakilala ko na rin. Siya na rin ang nagmanage ng modeling career nito. Kasama niya ang kanyang asawa sa lahat ng kanyang mga lakad, maliban lang kung ako ang kasama niya. Magsa-shopping galore sana kasi sila pero mas kailangan ko siya ngayon.
"Kumain ka muna bago tayo umalis." Inilapag niya sa mesa ko ang ilang mga papel at sobre. Mga billing statement iyon na kailangang bayaran. Nakapatong din doon ang total accounting ng aking kita sa buwang iyon.
Habang nasa loob ng kotse ay inisa-isa ko ang libro niya. Lahat ng nasa reading list niya ay idinagdag ko na rin sa reading list ko. Hindi ko binago ang pangalan ko. Max pa rin ang ginamit ko. And to my surprise, mukhang inap-date na niya ito at binigyan ng bagong twist ayon sa mga comment na nababasa ko mula sa kanyang mga readers.
Masyadong madami siyang kuwento pero madami pa rin ang tapos na. Isa-isa kong binasa. Basta 'yung mga tapos lang na kuwento. Bookworm akong tao. Mabilis akong magbasa. Malayu-layo din kasi ang location para sa pictorial namin ngayon.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...