CATTLEYA'S POV
Unang inilabas ng ICU ang bunso ni Max na si Mavi. Masyado pang bata ang anak niyang iyon at talagang lubos akong nagpapasalamat na ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan. Nabunutan talaga ako ng tinik ng magkaroon siya ng malay.
Ikinuha namin sila ng medyo may kalakihang kuwarto na sapat para sa tatlong pasyente. Matapos ma-stabilize ng katawan ng bata ay gumising na siya. Naggagatas pa pala ang bata. Nalaman ko na lang iyon ng humingi ito ng gatas. Puwede naman daw sabi ng doktor kaya hindi ako nag-aksaya ng panahon. Habang si Max ang nagbabantay sa kanya ay tinungo ko muna ang kanilang condo.
Tinulungan ako ng pamunuan na mabuksan ang condo since hindi ko naman alam ang password nila. Nakapasok naman ako. Nakita ko sa ibabaw ng mesa ang formula milk ng bata. Kumuha ako ng ilang pirasong damit nina Violet at Xamxam just in case gumising na ang mga ito. Ikinuha ko rin ng diaper si Mavi at ilan pang piraso ng kanyang damit. Kinuha ko ang paborito nilang unan.
Maya-maya lang ay tumatawag na si Max.
"Max...Bakit?" Napaluha ako sa saya. Nagkamalay na rin daw si Xamxam...naku, napagandang balita nito. Pero hindi pa rin masaya si Max pagbalik ko. Kasalukuyan ng inihahanda ng ilang staff ang higaan ni Mavi pati ang higaan ni Xamxam. Ilang oras pa kasi ay ilalabas na rin ng ICU ang bata.
"Max..."
"Mama, kailan po kaya gigising si Violet? Mukhang nagrerebeLde pa rin siya sa akin."
"Max, tatagan mo ang loob mo para sa mga bata. Huwag kang ganyan kay Violet."
"Mama, mahal na mahal ko po si Violet."
"Max, alam naman ni Violet na mahal mo siya."
"Hindi, Mama...hindi ko siya kailanman nabigyan ng totoong kaligayahan bukod sa pagkakaroon ng mga anak. Iniisip niyang hindi ko naman talaga siya mahal."
"Pero hindi iyon ang totoo, di ba?"
"OPO..."
"Max...lakasan pa natin ang dasal..."Lalong umiyak si Max. Kung hindi ako ang umaalo sa kanya, siya naman ang umaalo sa akin. Mabuti na lang at nandito kami para sa isa't isa.
Tumayo na si Max at lumabas upang puntahan si Violet. Saka naman pumasok ang doktor at kinumusta ko ang kalagayan ni Violet.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...