NEW LIFE

16 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Umupa ako ng condo na malapit sa lang sa Love Publishing House. Pinahanapan ko ng buyer ang dating bahay na iyon upang makalimutan ko ang anumang kamalasan na dala nito sa aking buhay. Inisip ko na magkakaroon ako ng bagong pananaw sa buhay kung lilipat ako at lalayo sa bahay na iyon.



Simple lang ang loob ng unit. Hindi na ako nagdagdag ng mga gamit sa loob. Kompleto naman eh. Lahat ng mga maliliit na gamit ko sa dating bahay sa Hillsborough tulad ng mga libro, mga gamit sa kusina, mga nasa sala tulad ng mga cd, at frames ng mga pictures pati mga painting ay inuwi ko sa probinsiya. Isinama ko na rin ang mga bedsheets, extra blankets and pillows pati mga lampshades at mga kurtina na nakalagay lang sa loob ng cabinet ko. Lahat ay halos bago pa at di pa nagamit. Mas magagamit iyon sa bahay ni Mama. Pamalit ko sa dati ko ring kuwarto.



Lahat ng bakas mula sa dati kong bahay ay iniwan ko maliban sa masasaya naming alaala ni Paris. May mga gabi na nababasa ang aking unan ng luha dahil nangungulila ako sa kanya. Ganoon ba kadali? Ganoon lang ba iyon?



Ni hindi siya nagpaalam sa akin.



Niyakap niya ako ng mahigpit ng gabing iyon. Hinalik-halikan niya ako sa aking buhok. Hindi na ako nagre-react kasi madalas naman niyang gawin iyon sa akin. Hindi ko dapat ikatakot. Tahimik ang gabi pero hindi ako natakot dahil kasama ko si Paris.



Iyon na pala ang huling gabi ni Paris. Iyon ang huli niyang yakap at halik sa akin. Mga huling paglalambing na iniiyakan ko tuwing gabi. Eh ano kung umiiyak ako? Masakit ang paraan ng pag-iwan niya sa akin. Tahimik at biglaan...Walang drama, walang violent reaction...



Hindi ako makapaniwala. Halos yakapin ko ang kabaong ni Paris. Hindi ako nagsalita ng kung anu-ano. Basta umiyak ko. Mahigpit ang yakap ko kay Paris. Tahimik akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko kinuha ang singsing sa daliri niya. Hindi ko ibinalik ang singsing na isinuot niya sa aking daliri.



Pinangatawanan ko ang kasal-kasalan namin ng gabing iyon.



Ngumiti ang guwardiya ng makita ako. "Good evening, Ma'am"



"Good evening..." Sabi ko. May kanya-kanya kaming parking area sa building na iyon kaya wala kaming garahe o bakuran.



Tahimik akong naglakad sa pasilyo patungo sa elevator at saka pinindot ang 5th Floor. Sanay na ako na mag-isa paakyat ng ika-limang palapag. Limang taon na rin kami doon. Simula ng manganak ako kay Xamxam, doon na kami tumira.



Hindi ko sana ibebenta ang bahay na iyon. Naging masaya naman kami ni Paris doon eh. Na-miss ko nga sina Mrs. Chang, Mrs. Romero at Mrs. Garcia pati sina Mr. Jordan at Mr. Cirilo. Hindi ko din sila makakalimutan. Ipinamigay ko ang mga orchids kay Mrs. Garcia kaysa matuyo sa bakuran ko.



Nanghinayang sila sa bahay. Huwag ko na lang daw ipagbili. Paupahan ko na lang. May point pero ayoko. Gusto kong ibenta na lang iyon.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon