PIECES OF PUZZLE

14 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Heto na ang totoong buhay. Noong wala si Max, simple at tahimik ang buhay. Masaya si Mama at Tita Cattleya. Masaya si Xam. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Makita kong masaya siya habang kakuwentuhan ang anak, nakakataba ng puso. Halatang updated si Xam sa mga palabas ng ama sa Fashion Channel.



Palagi kong nakikita ang masayang mukha nilang dalawa. Who could be against them? Walang sinuman ang puwedeng umistorbo sa kanilang dalawa. Pinupuno ni Max ang mga nasayang napanahon na wala siya sa tabi ng kanyang anak. Binibigyan ko naman sila ng pagkakataon. I gave them space and time for each other. Pero most of the time, Xam is with her dad. Lagi siyang nakabuntot kay Max kaya hindi makasimple ngayon ang isa. Ni hindi siya makagawa ng kung anong maisip niya kapag kami lang dahil palaging nakabantay ang kanyang unica hija.



Nakakapasok ako sa Publishing House ng hindi inaalala si Xam. Kahit hindi ako tumawag sa kanya ay okay lang basta't kasama niya ang kanyang ama.



"Huh, nandito pala si Maxwell Oliveros... "Dinig kong usapan sa kabilang cubicle..."Violet...Violet..."


"Huh, bakit???" Makasigaw naman. Nagulat ako.


"Si Max , bumalik na..."


"Yeah , I know..." Dedma kunwari. Di ko sinabing nakajugjugan ko na sa banyo noong nakaraang linggo. At malapit na rin kaming ikasal. Hahaha, gusto kong ma-shock ang buong sambayanan kapag ikinasal kami ni Max.


"So, pinuntahan ka na ba niya?" Well, partly alam nilang naging kami ni Max. Noong dumating si Paris, alam nilang in a relationship ako and Max...siya ang kontrabida sa amin.


"Why so curious about it?"


"Di nga, Violet. Biyuda ka na. Wala na si Paris at mukhang binata pa rin si Maxwell Oliveros. Wala nang mali-link na babae sa kanya. Pa-good boy sa iyo."


"Excuse me ngaaa...Hindi ako biyuda, okay...Muntik lang pero hindi ako biyuda. And ano kung binata pa si Mr. Maxwell Oliveros."


"You have the chance..."


"Ma'am Volet..." Nakakagulat, angganda naman ng bulaklak...pati sina Fatima at melody ay biglang lumabas sa cubicle nila. Nanlaki ang mga mata nila.


"WOWWWWW! Violet, dali tingnan mo ang card kung kanino galing?" Ay naku naman... Una-una ang dalawa. Nasa likuran ko para makita ang ebidensiya. Nagtilian ang dalawa ng ma-confirm na kay Max nga galing ang mga bulaklak...


"Eeeeeeee.... OMGGGGGGGG!!!!!! Violet, say yes na... OMGGGG! Say yes to him..." Loka-loka, naka-YES na ako.



Tumunog ang aking phone. "Yes, Max... Thank you sa flowers. Hindi ka na sana nag-abala pa." Tili ng tili ang mga nasa likuran ko habang nakikinig sa usapan namin. Kakausapin daw ako ni Xam.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon