ROSES ARE RED

29 1 0
                                    

ROSE 'S POV



Naawa kami sa kalagayan nina Violet at Max. Sa ngayon, tinitikis nilang pareho ang isa't isa. Assuming sa mga bagay – bagay kahit hindi naman iyon ang totoo. Mahal na mahal pa rin ni Violet si Max. Siya 'yong martir na hindi masyadong halata.



"Rose, mahal ko pa rin si Max lalo na ng dumating sa amin si Xam ng di inaasahan. Matagal kaming nagsama ni Paris pero hindi ako nabuntis. Pero kailangan pa akong puwersahin at halos gahasain ni Max at natyiempuhan ako. Nabuntis niya ako."


"Violet...bakit hindi ka makipagbalikan kay Max?"


"He has to earn my trust first. Hindi ako basta – basta makikipagbalikan. I will not make the first move. May anak na ako. May Xam na ako kahit wala si Max."


"Wala si Xam kung hindi dahil kay Max. Hindi ba nagtatanong ang anak mo?"


"Tinatanong niya si Max ... lalo pa ngayon at hindi niya napapanood ang daddy niya sa tv kasi nga nasa bakasyon siya."


"Violet, hindi para kay Xam... Isipin mo, ang mahalaga dito ngayon eh mahal mo pa rin siya."



Naikuwento niya ang gabing nasundan siya ni Max sa condo. Mabuti nga at nakarating pa siya ng condo. Ni hindi man lang siya nakahalata na may sumusunod sa kanya. Siguro kampante siya na walang gagawa noon sa kanya. But not Max... lalo pa ngayong desperado siyang makipagbalikan kay Violet.



Kanina pang nakaalis si Max.Simulat' sapul ay kilala namin ang dalawa kaya wala na kaming masabi. Sila na talaga ang magkakatuluyan nito, walang duda.



Hindi na namin kailangang gumawa ng paraan para magkabalikan sila.



"Are we going to do something about it?"


"Rose, let them do what they are supposed to do."


"Honey..."


"Yes, Rose...Max will not let go of Violet. Ganoon din si Violet. Lalo pa ngayong may nag-uugnay na sa kanila."



Dumating ang araw ng kasal ni Sadam. Syiempre, Violet won't miss it for the world. Hindi niya palalampasin ang araw na ito. Dadalo siya sa kasal ni Sadam. Kulay pula ang motif ng kasal at nakakulay pulang damit din kaming magbabarkada. Hinding hindi kami mawawala sa pinakamahalagang okasyon sa buhay ni Sadam.



Nagsimula na ang seremonya ng dumating si Violet at halos mgkasunod lang sila ni Max. Magkatabi kami sa simbahan. Katabi ko din si Red noon at ang dalawang bata. Tinabihan siya ni Max.



"Bakit ka dito tumabi?Wala na bang ibang upuan." Dinig kong sabi ni Violet. Umusod pa siya ng konti sa akin.


"Huh! Masama ba?"


"Excuse me..." Tatayo sana si Violet pero hinila ko siya.


"Violet, dito ka na lang. Huwag mong iwan si Max." Sabi ko sa kanya. Mag-iiwasan na naman silang pareho.


"Hindi mo ba kasama ang boyfriend mo?" Tanong ni Max. Dinig na dinig ko.


"Boyfriend ko? Kailan pa?" Hindi ko nasabi kay Violet na napagkamalan ni Max na boyfriend niya si Sam. Hindi kasi siya nag-uusisa. Si Xam as in eks-ey – em as Xam sound like Sam... ay isang batang babae. Biglang natawa si Violet. Pigil na pigil ang tawa niya.


"Ow....Xam... Ah oo...hindi ko na siya isinama kasi baka magpang-abot kayong dalawa. Ikaw pa? Wala kang sinasanto. Wala kang inuurungan di ba? "


"Anghaba ng hair mo ha! Ako makikipagsuntukan dahil sa iyo?" Hipokrito talaga itong si Max. Kunwari pa pero kanina pang umuusok ang ilong sa inis.


"Baka puwedeng ihatid kita mamaya?" Sige ang diskarte kahit imposible.


"No thank you. Hndi ko nakikitang safe ako sa iyo." Sabi ni Violet. Angtaray ng sagot. Kasingtaray ni Maricel Soriano.


"Violet, I missed you so much..."


"Parang mas nakakatakot ang mga salita mo ngayon." Magkakatabi kami nina Max hanggang sa reception. Hindi niya nilubayan si Violet habang panay ang tawag ni Xam kay Violet kaya kanina pang naiinis si Max. Hindi niya makuha ang atensyon ng kanyang pinakamamahal na Violeta. Kitang kita ko sa mukha ni Max ang pag- inis. Wala siyang magawa. Ganito talaga si Max. Papansin kay Violet. Ayaw niyang may umaagaw ng atensyon ni Violet.


"Hindi busy si Sam ha! Panay ang tawag sa iyo na para kang nawawala." Parinig niya. Parang gusto ko nang matawa.


"Pakialam mo ba?" Hanggang sa pagkain ay mukhang mag-aaway pa sila. Tumayo na si Violet para batiin sina Sadam at Cielo ngunit hindi napigilan ni Sadam na mang-asar kahit sa araw ng kanyang kasal.


"Congratulations, Cielo, Sadam..."


"Salamat" Sabay sabi ng dalawa.


"O, Violet. Nasaan si Sam?Hindi mo ba kami ipakikilala ni Max?" Parang interesado pa rin si Sadam kay Violet.


"Hindi na... Patahimikin na lang ninyo ang buhay ko, buti pa." One done. Atleast alam naming simula sa araw na ito ay titigil na si Sadam kay Violet. And Max has the great opportunity to win the battle in the end. Iyon eh kung sumuko si Violet.



Kinumpronta ko na si Max. "Max...bakit?" Umiling na lang siya. Lalo siyang nawalan ng pag-asa. Just wait and see Max. You still have the chance to win her heart. Hindi ko siya binigyan ng hint. 

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon