That's another issue: Paano bibigyan ng isang justified ending para ma-satisfy ang readers? It is not because gusto kong patayin ang bida o gusto kong mag-suffer ang kontrabida, ganoon lang ang gagawin ko. Ahhhh! nakakaloka... Okay nang mabitin dahil alam mong may nasimulan ka na. Pero ang pinakamabigat lahat bilang writer ay kung paano tatapusin ang isang kuwento. Minsan kasi, halos kompleto na lahat. Maganda na ang flow ng kuwento pero maya-maya, biglang nawala sa mood si Author, nawala din sa hulog ang kuwento. Saan ko huhugutin ang ending nito?
Kahit anong pikit ko, tingala at tingin sa kisame, kahit ilang butiki pa ang dumaan ngayon sa harap ko, wala akong maisip na ending sa kuwento. Ano bang nangyayari sa akin? May sakit ba ako? Naalog ba ang utak ko. Mukhang nabura ang kilig sa aking utak, ni hindi ako makapagsulat ng mga kilig part.
Ah, dala siguro ito ng nakita kong balita... Nagkaroon kasi si Max ng pictorial habang pinu-portray ang isang celebrity beach wedding... Dinig ko ang sabi niya.
"I prefer to have a church wedding than a wedding like this..." Sabay takbo nilang dalawa habang sinasalubong ang paparating na alon. Di bale ng mabasa ang gown . Kitang kita ko ang paghahawak kamay nila, sweet na sweet sa isa't isa. Pinatay ko kaagad ang telebisyon...
"Prelude pa lang umiyak na ako.... Ang hirap naman...Max, matatapos ko kaya ang kuwentong ito?" Kailangan kong makatapos ng limang kuwento ngayon. Hihintayin daw iyon ng aming editor in chief kahit on-line ko na ipasa.
Bigla akong sumalumbaba at tumingin ako sa labas. Mukhang maganda ang araw ngayon. Bandang alas otso pa lang ng umaga, tirik na tirik na si Haring Araw at wagas kung magsabog ng init sa paligid. Hay, angsarap sanang lumabas para mamasyal, magbisikleta at magswimming sa Club House. Kapag ganito kaaliwalas ng panahon, si Max ang palagi kong naaalala. Palagi kasi siyang aakyat sa loob ng kuwarto ko at magyayayang lumabas at magbabad sa sikat ng araw hanggang pagpawisan kami. Vitamin C pa daw iyon. Mainam sa aming mga katawang nanghihina at namumutla sa kakukulong sa kuwarto buong maghapon sa kaaaral. Ni hindi na nga daw kami nakakapag-exercise kaya palagi daw akong tinatamad kumilos. Puro upo lang daw ang gusto kong gawin.
Dati kasi kaming nakatira dito sa mismong subdibisyon na ito, sa Falcon St. nga lang kami at sina Max ay sa Eagle St. naman umuuwi.
Here I am again, superdooper hopeless romantic ang peg ko. Bakit ko ba palaging binabalik-balikan ang mga alaalang iyon?
Nagsisimula ako ng isang bagong kuwento para sana ipasa sa publishing house kung saan naging regular contributor na nila ako. Simula ng ayusin ko ang mga isinulat ko sa Wattpad, tinangkilik na ng mga Followers ko ang mga librong nai-publish ko on paperbacks. Palagi nila akong tinatanong kong kailan ko iyon ipa-publish sa libro. Akala ko nga , tatanda ako sa pagti-teacher at sa bandang huli ay tatandang dalaga though the truth is hanggang ngayon SINGLE pa rin ang status ko kahit sa FB.
Still searching ?
NO, still waiting for Max kasi siya lang naman ang hinihintay ng puso ko.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...