PROM PROBLEMS

20 0 1
                                    

VIOLET'S POV



Maingay sa loob ng klase ng umagang iyon. Wala si Max. Tahimik akong umupo sa aking upuan. Abala ang lahat na nagkukuwentuhan tungkol sa darating na prom. Syiempre, hindi na ako sumali sa usapan. Binuklat ko ang libro ko sa Filipino kasi may report ako noong araw na iyon. Nag-concentrate ako dahil parang gusto kong mainggit sa kanila. Kasi naman kung mag-usap sila, may mga ka-date na sila. Eh ako? Paano naman kaya? Hindi ako sigurado kay Max. Tiyak na yayayain niya yung magagandang dalaga sa third year. Hindi na ako umasa .



NIlapitan ako ni Olivia at ang lakas ng loob niyang asarin ako.



"Ikaw, Bb. Violeta Sulliven, sino ang mapalad at tangang lalaking magdi-date sa iyo sa prom? Hahahah" Sabay tawa ng loka-loka. Akala mo kung sinong kagandahan.


"Kawawa ka naman kung wala..." Hala tumawa pa talaga si El Xandria.


"Huwag ka na lang kasing umattend. Bawal ang walang partner."


"Hoy, Olivia...Ako ang ka-date ni Violet." Sigaw ni Sadam at nilapitan pa niya ako.


"Hay tingnan mo itong si Sadam, hindi ka na nadala. Si Violet, idi-date mo. Gusto mong makatikim ng sapak kay Max? Magpaalam ka muna kay Max. Baka mamaya akalain niya kikidnapin mo ang prinsesa niya." Lalong lumakas ang tawanan sa loob. Ano bang problema nitong si Olivia? Hindi ako umiyak sa loob ng classroom.


"Hindi lang magaganda ang nagkakaroon ng partner sa prom..."


"Ay oo naman, kahit yung mga tulad din ni Violet..."Salo ni Paul. "Kung wala lang akong partner, yayayain ko sana si Violet. Puwede na ring pagtiyagaan..." Sabay apir kay Olivia.



Mabuti at dumating na ang adviser namin. Sinumbong ni Bojo ang nangyari kaya nanermon muna ang titser namin bago magklase.



"Olivia, gusto mo talaga ma-Guidance sa ginagawa mo?"


"Hindi po Miss. Tinatanong ko lang naman po si Violet kung sino ka-date niya? Curious lang po Miss" Sabay hawak sa buhaghag kong buhok. Tuluyan akong napaiyak.


"Hindi ninyo dapat minamaliit ang kakayahan ng inyong mga kaklase dahil sa inyong katayuan ngayon. Tandaan ninyo na bilog ang mundo. Hindi kayo mananatili sa inyong kinatatayuan."


"Miss..."


"Kayong tatlo, Olivia, El Xandria, Paul, mga sakit kayo sa ulo talaga! Wala ng mukhang maiharap ang mga magulang ninyo sa Guidance pero kayo... hindi talaga kayo nadadala. Humingi kayo ng paumanhin kay Violet."


"Hay, ano ba 'yan?"


"Anong ano ba 'yan? Kung ikaw ba naman eh nananahimik sa upuan mo...e hindi tahimik din ang buhay mo" Pati si Ma'am eh hindi na rin nakapagpigil sa mga salita niya. Nilapitan ako ng tatlo pero pinandilatan pa rin ako ng mga mata ni Olivia. Ah talagang hindi niya ako tatantanan. Bahala nga siya. Kapag ako napuno sa kanya, may kalalagyan siya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon