CHANGE HAS COME

19 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Naging mailap ako sa barkada ng matapos ang libing ni Paris. Wala akong pinagsabihan sa kanila ng nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung paano sila nakarating sa probinsiya para makiramay sa kanila. Hindi nila kao nilapitan kahit nakita ko na sila. Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong umiyak sa kanila habang nakayakap at sinasabi ang mga panghihinayang ko.



Hindi ko alam kung ilang araw sila doon pero hanggang sa libing ay sinamahan nila ako. After ng libing, doon ko nalaman na buntis ako. "Masuwerte ka, Violet. Alam mo bang walang babae ang magsu-survive sa pagod at puyat na ginawa mo. Marami sa kanila ang nakunan. Na-miscarriage, that's what I mean. You know, take care of this gift. Napakasuwerte niya. Mukhang siya ang biyaya sa iyo matapos mamatay ng iyong asawa.



I have never been married to Paris. That night, we're just rehearsing what to say in front of the altar until we dozed off. Hindi na namin natanggal ang singsing na iyon. Hanggang ngayon, hindi ko iyon tinanggal sa daliri ko tulad ng pagkakalagay niya. isinama niya sa hukay ang kaparehas na singsing na suot ko. Sa hukay man lang ay naisama ko na ang kalahati ng puso ko at ng buhay ko. Hindi pa ngayon ang panahon upang magkasama kami ni Paris. May dahilan pa ako para mabuhay. Alam ko, hindi siya anak ni Paris. Bunga siya ng panggagahasa sa akin ni Max.



What else will come true in the story of Bahay-bahayan, Kasal-kasalan?



I got pregnant already. But this time, it's not a boy but a cute little girl. She doesn't looked like me. She is much like of his father, Max. Hindi mo maipagkakailan. Si Max ang totoong ama ni Maria Avi Xamantha ... Nasa pangalan ko pa rin ang bata pero naka-declare sa likod ang pangalan ng tunay niyang ama. Hindi pa iyon alam ni Mama pero later ay nasabi ko rin.



Nagpaalam muna ako sa publishing house. Matagal-tagal akong mawawala. Alam kong si Melanie na muna ang bahala. Sinabi ko naman na magpapasa pa rin ako ng mga kuwento via email. Hindi na ako nakapagkuwento sa kanya pero ng manganak ako kay Xam, minabuti kong bumalik kaagad sa trabaho dahil ayokong umasa kay Mama. Ayokong maging pabigat kaming mag-ina at dagdag pa kami sa gastusin niya. Hindi naman siya pumayag.



Ikinuha niya ako ng condo na malapit sa publishing house at sinamahan ako. Siya ang nag-alaga kay Xam-xam. Isinama niya si Honeylet sa amin para katulong na rin niya. Nagpapasalamat ako dahil naging maunawain si Mama. Naaliw siya kay Xam. Madalas niyang papuntahin si Tita Ana. Hinayaan ko na lang silang dalawa na alagaan ang bata.



Minsan, kinausap ako ni Mama kung okay lang daw bang sabihin kay Tita Cattleya ang tungkol sa bata. Sabi ko at mahigpit kong bilin na ilihim iyon kay Max. Ayoko. Hindi pa iyon ang tamang panahon para makilala ni Xam si Max.



Hindi ko alam kung napatawad ko na ba si Max dahil sa bata? Hindi ko alam kung ano itong naramdaman ko, parang mahal ko pa rin siya. Whenever I see Xamxam, I would always want him back. I want us to be one family. This is our only chance to have our ideal family.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon