VIOLET'S POV
Ito ang kuwento namin ni Max. Paano namin ito tatapusin? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang apektado ako sa lahat ng mga nangyaring ito at hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Kaya ako pinagbakasyon para makapag-concentrate ako. Ni wala akong maisip na matino at ibinalik sa akin lahat ng kuwentong ginawa ko.
And so, there it goes. Nagkabukingan na nga. Si Doc at Max ay magpinsan pala. Nagkaharap din kami ni Max. Wala siyang nasabi at para siyang na-freeze sa kanyang kinatatayuan. Nanlamig akong bigla. Ah hindi, saglit lang iyon at nagpupuyos ako sa galit. Pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag maging bayolente . Kung tutuusin ang sarap niyang sapakin. Hindi sampal ha! Hindi iyon uubra sa kanya. Dapat sa kanya ay ipinapabugbog sa mga Hapon at binibitin ng patiwarik para matuto.
Pakiramdam ko ngayon ay para akong bulkan na kanina pang kumukulo sa galit at gusto ng pumutok. Kung toro lang ako, kanina ko pa siyang sinuwag. Hindi ako makaiyak sa tuwa dahil nagkita rin kami sa wakas. Hindi ito ang inaasahan ko sa muli naming pagkikita. Angsaklap di ba? Anggandang pasalubong... Perfect na eksena nang pagbabalik. Pero ang paghaharap namin ay tila isang komprontasyon , kailangan naming magkaliwanagan upang maging malinaw sa amin ang lahat. Tutuldukan namin ang isang bagay upang maka-moved on kami sa panibagong yugto ng aking buhay, ang pag-aasawa. I'd be married to someone else soon. Bago kami maghiwalay, kailangan naming tapusin ang anumang namamagitan sa amin sa nakaraan at kasalukuyan upang pareho naming harapin ang bukas sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa amin. Ganoon lang kasimple iyon. Kailangan palagi ng closure like most of stories. No cuts, no shortcuts, no bitin issue.
Hindi ko kailangang umasa sa mga twist and turns dahil sa mga kuwentong WATTPAD lang nangyayari ang mga eksenang ganoon. Minsan imposible pero ito kasi ang kuwento. Ito ang nagugustuhan ng mga mambabasa. E parang ganitong ganito lang ang eksena ng update ng story ko tungkol din kay Max. Pero wala sa eksena ang pinsan niya na nanliligaw sa akin.
Writer ako. Author ako ng iba't ibang klase ng libro...Pagdating sa iba't ibang eksena , ang bilis kong makapag-isip lalo na kapag nagkabukingan na at nagkaharap na ang bidang babae at lalaki ( sinuman sa kanila ang may atraso, kailangan talaga ng maaksyong komprontasyon... Tuwang – tuwa ang mga readers kapag babae ang bayolente, pati mga followers ko ay napa-comment ng mabasa nila ang mga kakaibang atake ng linya para pasakitan ko ang bidang lalaki.
Ang eksena kanina ay walang pinagkaiba sa mga naging eksena ng mga kuwentong ginagawa ko tuwing may sumbatan, bukingan at away na mangyayari pero bakit kanina, wala akong nasabi. Na-blangko ang isip ko. Ni hindi ako makapagdrama. Ni wala akong hugot. Ni hindi ko nagawang umiyak.
Nagbago na ba ako? When did I learn to fake everything? Paano ko nagawang ipakita sa kanya na heto si Violet, ang dating iyakin na nagtatapang-tapangan sa harapan niya kahit ang sakit ng ginawa niya. Kailan pa ako naging matapang? Kailan pa ako nagkunwaring okay lang kahit ang totoo ay hindi naman? Kailan pa ako ngumiti kahit ang sad ng story?
Sana inaway ko siya ng harap- harapan at pinamukha sa kanyang nainsulto ako. Sana ay sinabunutan ko na si Fiona at sinabihang malandi siya at walang delikadesa. Malay ko ba kung totoong si Max ang ama ng batang dinadala niya. Baka tulad lang ng mga kuwento na pinikot lang si Max dahil gustong gusto niya ang boyfriend ko. Sana sinabuyan ko siya ng juice habang kumakain kami atsaka ko sinabing " Get lost..." O di kaya naman ay pagsasampalin ko si Max ng todo-todo at ibubuhos ko lahat ang sama ng loob ko kahit magkasumbatan pa kami. Saka ko sasabihin ang mga pamilyar na linya" Minahal kita ng sobra-sobra pa sa buhay ko at wala na akong itinira para sa sarili ko. Nagtiwala ako sa iyo sa pag-aakalang sa bandang huli ay tutuparin mo ang mga pangako mo...Nasaan na ang mga pangakong iyon! ( Sabay sigaw at sampal muli sa pisngi niya tapos patuloy ko siyang susumbatan at iiyak ako.) Wagi !
Tapos aawat kunwari si Doc at sasabihing, "Nandito naman ako. Ako na lang ang magmamahal sa iyo" Hay, perfect na linya..." Mag-iinarte naman ako at magpapahabol kahit nakakatakot sa talahiban. Iiyak ako ng todo at magpapaawa. Magwawala , maglulupasay sa batuhan o sa lupa o kung saan ako abutan, iinom ng tuba, magpapakalasing at magwawala ulit. Sisigaw sa kuwarto ko, ihahagis ang mga unan at iiyak ng todo hanggang sa makatulog ako.
Then after that , dadalaw ang magpinsan at kakausapin ako ni Max at pag-uusapan namin ang nakaraan at sa bandang huli ay magpapaalam sa isa't isa. Iiyak ako sa pagtalikod niya sa akin at sa lahat ng mga pangarap namin. At ako? Magiging bitter at magpapahabol kay Doc. Uuwi sa subdibisyon habang hahabul-habol siya sa akin. Aasa siya at walang mapapala sa akin.
Babalik sa trabaho at magpapatuloy maging writer.
Ayos ang ending....Puwede nang gawing update...
u
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
