HELLO WATTPAD

12 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Sabado ng araw na iyon. Tahimik kami ni Max na nakaupo sa sopa. Unti-unti ay humiga siya at ginawang unan ang aking hita. Pareho na ngang nangangapal ang mga salamin namin sa kababasa pero nagsusulat ako ng oras na iyon sa isang bagong notebook. Kasalukuyan kong isinisulat ang kuwento ng THE TWINS.



Kuwento iyon ng magkapatid na RayEarth at Earthina... Sa armrest ko na ipinatong ang notebook ko habang sulat ng sulat. Minsan kasi kapag nasa mood akong magsulat, hindi ko na mapigilan ang pagpasok ng ideya sa aking isipan. Tuluy-tuloy akong nagsusulat. Hindi ko napansin na kanina pa pala akong tinitingnan ni Max.



"Anong inginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong niya sa akin. Tumingala siya at ipinatong sa dibdib ang kanyang tablet.


"Wala, kinikilig lang ako sa kuwento ng kambal..."


"Kuwento...saan mo nabasa?"


"Heto o, isinusulat ko..."


"Isinusulat mo lang..." Kinuha niya ang daliri ko at nakitang nangangalyo na ang mga daliri ko sa kasusulat.


"Pinadalhan ka ni Tito Sherwin ng laptop di ba? May kasama pa ngang tablet iyon eh, bakit hindi mo gamitin?"


"Anong gagawin ko? "


"I-publish mo sa Wattpad...malay mo, maraming makagusto ng kuwento mo. Kahit papaano ang may konting self-fulfillment ka. Hindi 'yong ikaw lang ang kinikilig. Madami kang makikilala kapag nagustuhan nila ang kuwento mo."


"Paano? Hindi nga ako marunong mag-Wattpad eh..."



Tinulungan ako ni Max sa simula. Since may e-mail add na ako, madali na lang daw. May FB account na rin ako which is good lalo na kung gusto kong ipakilala ang aking identity sa kanyang mga future followers ko. Parang FB account din ito. Sa tuwing may ipo-post ako , ila-like nila. Sa Wattpad, sa tuwing may kuwento akong magugustuhan nila, ibo-vote nila. Tulad ng FB, nagko-comment din sila kapag gusto nilang magbigay ng ideya , suggestions at may violent reactions din sila.



Sabi ni Max, sa panahon daw ngayon na uso na ang mga mobile apps at mga ebooks. Kaya nga hindi na siya madalas bumili ng libro sa bookstore pero minsan nagbabayad pa siya gamit ang debit card para lang bayaran ang isang e-book. Ang resulta, lahat ay nagiging handy na lang para sa kanya. Tablet lang ang dala niya pero puro libro pala ang laman noon. Kahit off-line ay puwede niyang basahin. Pero kapag low-bat ang tablet niya, wala din.


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon