RED'S POV
Nagulat ako ng may nagdingdong sa mansion. Hindi ko inaasahan na si Max ang makikita ko ng araw na iyon. Noong isang gabi kasi ay magkakasama kami at madami-dami din siyang nainom. Madami siyang nasabi, madami siyang hinanakit at lalong lalo na, madami daw siyang atraso kay Violet. Iyak siya ng iyak sa sobrang kalasingan. Ipinasundo na lang namin siya sa kanyang mama.
Ipinakilala ko siya sa aking mga anak. Malaki na si Blue at Pinky. Pinalapit ko sila kay Max. Pinahalik sa kanyang pisngi. Nakita kong magiliw si Max sa mga bata. Tuwang tuwa siya ng magpakarga sa kanya si Blue at Pinky.
"Sana, may anak na rin kami ni Violet." Dinig ko sabi niya.
"Huh, pare. Mag-asawa ka na kasi..." Tinapik ko siya sa balikat. "Blue, go to mommy. Tell her to come and see daddy, okay."
"Yes, Daddy. " Sabay na nagtakbuhan ang dalawang bata papunta kay Rose.
"Careful..."
"We will..." Naupo kami ni Max sa upuang kahoy na nakaharap sa malawak na bakuran ng mansion.
"Bakit ka napadpad dito?" Tanong ko sa kanya. Pero halatang namumrublema na naman siya. Very unusual for Max. Pupuntahan lang niya ako para ibida si Violet at wala ng iba.
"Sino pala 'yung lalaking sinasabi mong kasama ni Violet?"
"Lalaki? Kasama ni Violet? May sinabi ba kami?"
"Pare, kahit lasing ako...Alam kong pangalan ng lalaki ang Sam...Pogi ba? Happy ba siya sa bago niyang boyfriend?" Bitter si Max. Mukhang feeling helpless...
"Ehem, nagseselos ka ba?"
"Medyo...Buti pa siya, naka-moved on na."
"Bakit? Huwag mong sabihing..."
"Simula noong umalis ako, wala ng nangyari. Hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na...Putsang buhay ito. Hindi ko makalimutan si Violet."
"Natural lang na hindi mo makakalimutan ang first love mo, Max. Sino bang may sabing kalimutan mo siya? Dagdagan mo na lang."
"Pare, masaya ba siya sa Sam na iyon?" Inulit niya ang tanong niya kanina. Hindi malinaw sa kanya kung sino si Sam. Akala niya yata lalaki. Hindi na niya naisip na baka naman babae ang tinutukoy namin. Pero affected siya ha! Nakayuko lang si Max. "Masaya ba sila? Hindi ko na ba siya puwedeng agawin?"
"Uy, Max. Ano bang problema mo? "
"Kaya ako umuwi para sana yayain si Violet..."
"Yayain ng ano?"
"Yayaing magpakasal..." Bigla akong natawa sa sinabi niya. Anglakas ng loob ng lokong ito na yayain si Violet eh kasasabi nga lang niya na madami siyang atraso at hindi niya sigurado kung mapapatawad siya nito. "Pare naman eh...Tinatawanan mo pa ako."
"Masyado kang desperado, Max. Nakakatakot ka."
"Pare, tulungan mo naman ako."
Natigil ang usapan namin ng dumating si Rose. Atleast, huminto siya ng pagrereklamo at pagpilit sa akin.
"Uy, Max. Kumusta? Noong isang gabi lang...Lasing na lasing ka ha! Pinagalitan ka ba ni Tita Catt?"
"Rose, tulungan naman ninyo ako ni Red. Gusto ko lang sana makipag-ayos kay Violet."
"Yayain na daw niya si Violet na magpakasal sila kaya lang..."
"Kaya lang ay ano?"
"Hindi pa daw siya napapatawad ni Violet."
"Nasaan na ang malakas ang loob na si Max? Bakit tiklop ka ngayon kay Violet?"
"Rose, madami kasing nangyari bago kami magkalayo ni Violet. Pagbalik ko lalo gumulo ang lahat ng malaman ko na..."Alam ko bumigat ang pakiramdam ni Max ng maalala ang pinsan. Inakbayan ko siya.
"Pare, hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko alam na oras na niya. Nabigyan ko siya ng sama ng loob. Silang dalawa ni Violet. Lalong lalo na si Violet..."
"Max, mapapatawad ka rin ni Violet. Hindi ka matitiiis ng bestfriend mo. Kilala mo si Violet. Maraming bagay na hindi nagbabago sa paglipas ng panahon...."
"Tulad ng ano?"
"Nang pagkakaibigan ninyo..."
"Hindi na ako itinuturing na matalik na kaibigan ni Violet. Baka mortal na kaaway, iyon ang sabihin mo."
"Bakit ka naman niya ituturing na mortal na kaaway?" Nakakapagtaka ang mga sinasabi ni Max. Hindi naman kasi ganoon ang tingin namin kay Violet. Alam kong umaasa siya na magbabalikan sila this time lalo pa't mayroon na silang Xamntha.
"Red, ginahasa ko si Violet. Pinilit ko siya at isinama ko sa motel. Ilang linggo bago sila magpakasal ni Paris."
"Susmiyo, Max... Nagawa mo iyon kay Violet." Gulat na gulat si Rose. Tinitigan ko siya para itigil niya ang pagka-OA ng reaksyon niya.
"Magulo ang isip ko. Nawalan na ako ng pag-asa na magiging kami pa rin ni Violet sa bandang huli. Mag-uusap lang naman kami. Iyon ang plano ko pero kung anong demonyo yata ang bumulong sa akin at ..." Iyon din ang ikinuwento ni Violet sa amin. Pareho ng version ni Max.
At iyon ang dahilan kumbakit ang hirap patawarin ni Max. Kahit sinong babae siguro ay magdadalawang isip na patawarin siya, to think na pinsan pa niya si Paris na kasalukuyang fiancée na ni Violet. And everything is so sudden when death came to Paris.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...