GOOD MORNING, MAHAL

18 1 0
                                    

PARIS' POV



Talagang good ang morning ko ngayon. Perfect ang gabi para sa nangyari sa amin ni Violet. Lalo ko siyang minahal. Konti na lang ang nalalabing oras, nararamdaman ko iyon. Tahimik siya kanina habang nag-aalmusal at hindi niya ako kayang titigan sa mata . Sa tuwing may nangyayari sa amin, palagi siyang ganito.



Hindi ko na siya naabutan sa kama kanina. Mukhang maaga siyang gumising. Hindi rin naman niya ako ginising. Pagbaba ko, nasa working table siya at nasa harap ng kanyang computer. Seryoso siyang nakatitig sa monitor.



Tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo kanina. Naghihilamos ako ng biglang tumulo ang dugo sa ilong ko. Heto ang kinatatakutan ko. Mabuti kagabi at pinatay ni Violet ang ilaw. Kung hindi, makikita niya ang mga pasa ko sa katawan. Meroon na rin ako sa binti ngunit hindi naman niya masyadong napapansin.



Hindi ko alam kumbakit gumising siya kagabi at sinabi niyang mahal na niya ako. Dinig na dinig ko ang sinabi niya. Siya ang unang humalik sa akin at nagustuhan ko naman ang ginawa niya. Kahit sa kama, may gender equality na rin. Hindi lang lalaki ang humihiling sa kama, pati babae na rin tulad ng ginawa niya.



Mukhang di talaga niya ugaling lumabas. Mas gusto niya sa loob ng bahay. Well, siguro ganoon talaga ang mga writers. Kapag may naumpisahang trabaho, pilit na tinatapos sa abot ng kanilang makakaya. Gabing – gabi na ngang umakyat si Violet para matulog. Kung hindi ko pa niyaya, hindi siya aakyat. Ah, kung mag-isa lang siya, tiyak na sa baba na lang siya tutulog. Imagine, buong maghapon siya sa working table niya.



Siguro nga, naistorbo ko pa siya nung tumawag ako at ng may dumating na bisita, saka lang siya huminto. Hindi lang maipagtabuyan sa hiya pero kung gugustuhin niya ay pinalayas na niya kaagad dahil may ginagawa siya. Hay, si Violet. Kapag hindi niya nabalanse ang lahat, in due time, magsasawa siya sa kanyang ginagawa.



Pagkatapos ngang magsimba ay umuwi na lang kami. Nagmadali siyang bumaba at nagtungo ng kusina. Busy... inilabas ang carrots, patatas, may tomato sauce at liver spread.

"Anong iluluto mo?" I was thinking, hindi siya marunong magluto pero anong ginagawa niya.



"Let me guess, naglalaro? ..." Sabi niya... "Hulaan mo kung anong iluluto ko." Sabi pa niya.


"Marunong ka bang magluto?" Tanong ko at mabilis pa sa kidlat ang kanyang pag-iling. "Eh anong iluluto mo?"


"Hulaan mo nga..."


"Adobo..." Kunwari ko lang...


"Hala, adobo daw.May carrots ba sa adobo? may liver spread ba?"


"Caldereta?" Abot-tenga ang kanyang ngiti saka siya tumango. Bakit? "Anong nakain mo?"


"Wala lang..."

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon