FIGHTING!

13 0 0
                                        

VIOLET'S POV



Madalas ko nang isama si Paris sa get together ng barkada. Welcome naman siyang dumalo. Syiempre, hindi maiiwasan na dalhin din ni Sadam ang kanyang girlfriend doon. Medyo malayo na ako kay Sadam pero panay pa rin ang nakaw-tingin niya. Pasimple rin lalo na kapag wala ang girlfriend at nasa loob ng cr.



Nagkataon na nag-cr din ako at kinumpronta ako ni Cielo.



"Violet, can I ask you something? I hope you don't mind..."Sabi niya.


"Ano 'yon? " Nakaharap ako sa salamin at naghuhugas ng kamay. Bahagya kong sinisipat-sipat ang aking mukha at ang aking lipstick.


"Naging kayo ba ni Sadam?" Bigla akong natawa. What a laugh? Pareho lang sila ni Sadam, anghirap nilang mag-moved on. Tingnan mo, hanggang ngayon. Sarap dukutin ng mata. Kapag nahalata siya ng kanyang girlfriend, ako pa ang masama. Hay, anghirap pa namang paliwanagan ng mga insecure na tao. Kahit paulit-ulit mong sabihing wala, hindi pa rin naniniwala kahit iyon naman talaga ang totoo.


"NOOOO... Never kaming naging mag-ON... Bakit mo naman naitanong?"


"Gusto ko na sanang magselos eh..." Siguro kanina pa siyang nakakahalata.


"Don't be , Girl. Don't waste your time getting jealous of me. I am nothing..." Sinigurado ko iyon kay Cielo.


"Did he ever court you?"


"Ha!"


"Hindi naging kami. Whether he courted me or not...Hindi naging kami." Binabaliktad niya ang mga tanong. Itinatanong niya sa ibang paraan pero kung nalito lang ako without even thinking his questions baka nasabi kong oo. "Huwag kang gumawa ng sarili mong multo." Nagmadali na akong lumabas. Magkasunod kami. Halata ng barkada na nagtagal kami sa loob at iba na ang mood ko. Mabuti at kasama ko si Paris. Hindi ko bibigyan ng pagkakataon na masira ng babaeng ito ang kitakits na iyon.



All of us is looking forward to it kaya ayokong ako pa ang dahilan ng pagkasira ng gabi naming lahat.



"Uy, Violet...Nakakadami ka na ng inom ha! Tama na..."Awat ni Paris sa akin.


"I can manage my alcohol this time, Paris. Trust me.... Hindi kita gagapangin mamayang gabi." Napahinto ng inom ang mga kaibigan ko at inulan kami ng kantyaw. Siguro nairita si Cielo at nag-excuse. Hinabol siya ni Sadam at pagbalik ni Sadam, kinuha na ang bag ng gf atsaka nagpaalam sa amin. Fine, tama lang na umalis na ang pikon dahil hindi siya fit dito.



Ngunit ilang saglit lang ay bumalik si Sadam. Mukhang giyera- patani sila ni Cielo. Lumaklak ng inom atsaka bigla akong kinumpronta.



"I still want to win you, Violet." Hala, anong nangyayari dito kay Sadam? Lasing na yata. "Mahal na mahal pa rin kita, Violet" Sigaw niya. Mabuti lang talaga at nasa loob kami ng isang private drinking room. Pero mas nakakabigla ng bumalik si Cielo at dinig na dinig niya ang sinabing iyon ni Sadam.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon