CULTURE SHOCK

22 1 9
                                    

MAX'S POV



Nagalit si Fiona sa nangyari. Umalis ako na hindi nagpapaalam. Inamin ko naman na biglaan ang alis ko. Inalo din siya ni Mama pero binalaan niya ito " Teach your son some manners" Sabay duro sa kanya , e di lalong nagpanting ang tenga ni Mama. Ano bang akala niya sa akin? Walang pinag-aralan? Hindi siya uubra sa kultura ng mga Pilipino. Para sa amin, kabastusan ang ginawa niya... dapat matutunan niya ang paggalang sa nakatatanda lalo pa't nanay ko ang pinagsabihan niya.



Malutong na sampal ang iginanti ni Mama." How could tell that in front of me? You listen to me. I never wanted you for my daughter in law. Make up your mmind now and leave. You, leave alone and stay away from my son."



"Hey, I am pregnant."


"Hey I am pregnant..." Ginaya siya ni Mama. "I don't care. I don't believe that my son could even be a father to your child. I doubt if he really owns that child."


"How could you say that to my child?"


"Yes, that's true... that child is just your own child..." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama. Inilabas na niya ang kanyang hinala kay Fiona. "Don't you dare cheat on my son, or I'll kill you. Better tell the truth now before someonelese find the truth." Hindi na umimik si Fiona. Pumasok siya sa kuwarto at sinundan ko siya. Humingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nagpaalam. Sinabi ko sa kana na hindi maganda ang ginawa ginawa kay Mama kaya dapat siyang mag-sorry.



Bago kami matulog ay nag-usap naman sila. Kinausap ako ng sarilinan ni Mama tungkol sa pagpunta ko sa probinsya. "Mama, hindi ko nakausap si Violet but something happened to us." Sinabunutan ako ni Mama. Yumuko na lang ako.



"Paano nangyari iyon?"


"Mama, alam naman ninyo si Violet. Hanggang ngayon, dala-dala pa rin niya ang pagpapantasya. Pinayagan ako ni Tita Cherry na kausapin siya pero kasi tulog si Violet ng datnan ko. Hindi ko akalaing naka-Sleeping Beauty na pala ngayon ni Violet kaya..." Pinaghahampas ako ni Mama. Hindi ko nakontrol ang libido ko pagdating kay Violet. Nangyari na nga.


"Ikaw, kapag nabuntis-buntis mo lang si violet...Naku, nakakagigil ka talagang lalaki ka. Hindi ka nag-iingat. Paano itong si Fiona? Isang buong maghapon lang na wala ka, may kau-kausap 'yan ha! Angtagal ng usapan nila. Alam mo, kinukutuban talaga ako sa babaeng iyan. Hindi ako magtataka na isang araw na lang ay may kumatok dito at hanapin siya. In the end , niloloko ka pala niya. Naku, kakalbuhin ko siyang impakta siya!"



Galit na galit si Mama dahil hindi si Violet ang nakatuluyan ko kahit na may nangyari na sa amin. Nagpasya kami na bumalik ng probinsya para makilala na si Fiona ng aking mga kamag-anak . Pinaghahandaan ko din ang paghaharap namin ni Violet.



Nasa kotse na kami..." Bakit kailangan mo pang isama si Fiona kina Violet. Ipinamumukha mo bang mas karapat-dapat siya kaysa sa kanya." Sabi ni Mama.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon