VIOLET'S POV
MInabuti kong hindi na muna magpakita kay Doc. Ayokong aali-aligid siya sa akin. Hindi pa ako handang tumanggap ng manliligaw para palitan si Max sa puso ko. Kailangan muna naming magtuos. Kailangan naming magkalinawan kung ano ang nangyari at ano ang mangyayari sa aming dalawa ngayon.
Alam kong babalik siya dito. Alam niya kung saan ako hahanapin. Naglabas ako ng malinis na blanket at throw pillow. Nakita ako ni Honeylet na pababa ng bahay.
"Ma'am Violet, saan ka ga pupunta?" Halatang halata ang punto niya.
"Pupunta ako doon oh... Doon..." Itinuro ko ang ilalim ng puno ng mangga na may malaking duyan. "Gusto kong magpalamig doon."
"Sigurado po kayo?" Tumango ako. Kinuha niya sa akin ang puting blanket at dalawang throw pillow saka sabay kaming nagtungo doon. "Wala po kasing ganito sa Maynila ano?"
"OO naman... higit sa lahat , walang fresh air sa Maynila. Sa tingin ko, mas maganda talagang tumira dito kaya hindi ko masisisi si Mama kumbakit niya ako iniwan sa Maynila. " Lalo daw siyang nahihina kapag walang ginagawa kaya tama lang na dito siya magbisi-bisihan. Mas malaya siyang makakakilos dito. Madami pa siyang kasama at hindi naman siya madalas gumala. Matapos niyang bisitahin ang koral ay iikot sa taniman. Matapos mapakain ang mga trabahador, saka uuwi sa bahay at magpapaluto ng miryenda.
Ganito ang nakita kong buhay niya.
Mas busy pa sa akin sa opisina.
Tinulungan niya akong ayusin ang duyan tulad ng mga nakikita ko sa mga beach resort. Whoaaahh! Feeling haciendera talaga ako tulad nung comment ng isang trabahador ni Mama sa farm. Dahan –dahan akong humiga sa bandang dulo kung saan malapit ang tali. Hindi naman ako hihiga na parang inuugoy na baby.
Iniwan niya ako ay isinalpak ko sa tenga ko ang headseat. Binuksan ko ang unang libro ng trilogy ng Hunger Games na matagal ko nang nabili ngunit ngayon ko lang nagawang basahin dahil hindi na ako busy. Na-amazed naman ako sa sci-fi film nito pero commercial palang nakakaengganyo ng malaman kung anong mangyayari kaya lang as always the case, hindi lahat ng binasa makikita mo sa pelikula. Mas maa-appreciate mo daw 'yung libro kasi mas madaming binabago pagdating sa palabas na sa sinehan.
Halos nakakalahati na ako ng binabasa ko ng hindi ko mamalayan ang pagdating ni Doc. Gusto ko sanang pumasok sa loob ng bahay pero hinila niya ako sa braso ko.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Why should I?"
"Yun din ang tanong ko. Why should you avoid me?"
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
Roman d'amourA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...