Yes, I am a teacher by profession before becoming a writer.
Bata pa lang ako, role ko palagi sa bahay-bahayan ang mag-titser-titseran kaya dinala ko na iyon hanggang paglaki ko.
Mahirap bang maging teacher? Ang sagot? Hindi... Actually madaling mag-aral ng pagiging teacher. Mag-aaral ka ng apat na taon. Lahat ng itinuro sa high school, pag-aaralan mo ulit sa mas komplikadong paraan. That's college life, complicated things happen.
Pagkatapos ng apat na taon, mari-realized mong mas mabigat pala ang responsibilidad mo. Huhubugin mo siya at ituturo ang lahat ng bagay na nasa loob ng utak mo. Sa 15 years kong nagtuturo, ubos na ang talinong nakaimbak dito. Yung dating kulubot na utak natin sa loob ng skull, tiyak... lalong kukulubot at iimpis na iyon.
Imagine mo, hindi magkakaroon ng ibang propesyon kung walang teacher. Teacher can greatly influenced humanity. Whooah! Walang writer kung walang teacher... Walang magbabasa ng mga librong naisulat kung hindi naturuan ni Teacher kung paano bumasa.
I must say that once in my life I had become the most influential person there is on earth without taking much effort.
Hay buhay, ilang taon ko na ring iniwan ang pagtuturo. Nawala na ang ingay ng mga bata sa loob ng aking klase kahit alam kong hindi sila nag-iingay dahil ayaw nila sa klase ko. Wala nang yayakap sa akin at maglalambing kahit bad mood ako.
Hindi ko na maririnig ang tsismisan ng aking mga co-teachers. Hindi na nila ako laging pagdidiskitahan kapag nakalimot ako sa aking mga obligasyon bilang teacher at lagi nilang idadahilan ang palagi kong magwa-WATTPAD. Nawala ang nakaka-stress na lesson plan at teaching preparations pati ang mga late night rituals to do exams and meeting deadlines on grades and reports.
Ako na ang boss ngayon dahil magagawa ko ang gusto kong gawin ng hindi palaging nagmamadali sa umaga para makaiwas sa traffic. Hindi na ako uuwi ng late pero ang sweldo ay kakarampot, pagod pa ako at stress. Ah, teacher... minsan, nakakainis din... minsan, nakaka-miss din pero hindi naman iyon mawawala sa akin eh. Puwede pa rin akong magbalik sa pagtuturo anytime kong gustuhin.
After all, una ko siyang minahal....
(What I mean is, 'yong pagtuturo ko...ang not being a writer...)
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...