FINDING MYSELF

26 2 0
                                    

So I went off... Iniligpit ko ang gamit ko at saka ako maagang umalis sa opisina. Ipapadala ko na lang kay Ma'am ang mga kuwentong matatapos ko via e-mail. Ngayon lang ako maagang lalabas ng building na iyon. Nakakapanibago. Mas ramdam ko ang init ng sikat ng araw ngayon. Ramdam ko ang tumutulong pawis sa aking likuran at sa aking noo. Nasilaw akong bigla sa liwanag. Nocturnal na yata ako. Hindi sanay sa liwanag. Gabi na kasi tuwing lalabas ako ng publishing house. Actually puwede ko namang gawin ito sa bahay eh , dahil iyon naman ang dati kong ginagawa. Mas komportable pa ako kaysa naglalagi ako sa sleeping quarters kapag nilalamay ko ang isang kuwento for approval. Mas madalas talaga, nasa bahay lang ako.



Minsan kahit anong puyat ko, ilang beses itong binabalik sa akin for revision dahil nga walang appeal, pati editor, walang ganang magbasa. Eh kung sa kanya pa lang hindi na papasa, paano pa kaya sa mga readers di ba? Paano iyon mabi-benta? Paano iyon magiging best sellers tulad ng mga dati kong obra? Hindi iyon ang ini-expect sa akin.



Tahimik akong nagligpit ng gamit at dinala ko ang aking laptop at ilang supplies na ibinigay sa akin ng publishing house para daw may writing supplies ako. Kasama na ang malaking lukbutan na puro labahan lang naman ang dala kong damit pauwi. Tiyak na magtataka si Mama. Baka sabihin niya, wala na akong trabaho at bumalik na lang ako sa pagtuturo.



Dinalaw kasi niya ako ng araw na iyon. Siya ang nagbalita sa akin na uuwi daw si Tita Cattleya kasama si Max at ang fiancée nito. Hindi ako umimik sa balitang iyon pero malaki ang naging epekto nito sa akin. Nakita ko na sa isang interview, pati yung photo shoot nila. Bakit kasi bawat bukas ko ng internet, yung balita tungkol sa kasal ni Max ang natsatsambahan ko? Tapos, ibabalita pa ng mga kaopisina ko ang tungkol doon na parang nananadya pa. Ah, sana di ko sinabing kababata ko si Max para di ako inaasar ng ganito. Dati nga di pa sila naniniwala. Tapos noong makita nila ang grad pic namin noong high school pinagtawanan pa ako. Kumalat lang ang balitang ikakasal na siya, abah, may pang-aasar pa sa akin. GRRRRRRRRR! Yung totoo.... naniwala din sila sa sinabi ko...Nawalan ako ng ganang kumain. Ayokong bumangon at walang pumasok sa isip ko hanggang tumulong bigla ang luha ko.



"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo, Violeta. Kaya nga kita pinagtapos ng apat na taong kurso para kumita ka ng malaki. Tingnan mo, anong mapapala mo sa pagsusulat ng kuwento eh digital na lahat ngayon. Pati libro at mga sari-saring babasahin ay on-line... e-book na ang uso. Less na ang paper dahil madaming puno ang napuputol. "


"Kaya nga grabe ang global warming ngayon , Mama. Masyado tayong gumagamit ng enerhiya at hindi na po nari-release ng mundo."


"Naku, nangangatwiran ka pa..."



Hahanapin ko lang ang sarili ko bago ako tuluyang magwala at mawala sa katinuan. Kailangan ko ng bakasyon dahil baka doon ko mahanap ang aking nawawalang sarili. I need fresh air. Mas fresh pa kaysa dito sa subdibisyon kung saan kami lumaki ni Max.



Nagpahatid ako sa taxi ngunit hanggang gate lang. Gustong muling bagtasin ang daang iyon patungo sa bahay tulad ng madalas naming gawin ni Max tuwing uuwi kami sa hapon galing school. Sukat na sukat ko ang kanyang mga hakbang dahil ayokong magkahiwlaay kami kaagad ni Max sa corner ng Dove St . Alam ko kung saan siya madalas tumapak. Kasi kapag naglalakad kami papasok ng subdibisyon, inuunti –unti namin ang paglalakad dahil hindi kami nauubusan ng kuwento kahit magkatabi kami sa klase. Ganoon lang talaga siguro ang samahan namin ni Max. Parang magkarugtong ang mga bituka namin pati ang hininga namin. Kilalang kilala na namin ang isa't isa. Lahat ng mga toyo namin sa utak, mga libangang pinagkakasunduan namin at mga sikretong kami lang ang nakakaalam.



Hindi ko naiisip na isang araw, mag-isa na lang akong maglalakad papasok ng subdibisyon. Kakausapin ko na lang ang aking sarili. Hihinto kapag may bigla akong naalala, lilingon na parang may hinihintay at ngingiti na parang may kausap.



Malapit na raw bumalik si Max. Sasalubungin siya ng entertainment industry dahil partly Max has automatically became a celebrity.



Babalik pa kaya dito si Max? Maaalala pa kaya niya ang lugar na ito?



Maalala pa kaya niya ako?


HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon