CONFUSING LIFE

23 0 0
                                    

VIOLET'S POV



Tinanggap ko sa bahay si Doc na parang ... ah, hindi ko masabi kung ano kami. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa amin. Nagbabahay-bahayan, nag-e-eksperimento, o naglolokohan at nagpapalipas lang ng init ng katawan.



We just act normal na para kaming nasa boarding house. Ako ang kanyang landlady at siya ang aking boarder. Boarder na puwede kong katabi sa kama, kasalo sa pagkain, hardinero, atchoy kapag wala ako, taga-grocery at dakilang taumbahay .



"Boss, baka bukas na ako pumasok sa opisina. May bisita kasi ako ngayon. Hindi ko naman maiwan kaagad." Pagkatapos kong kausapin si Melanie sa telepono ay narinig kong may kausap din siya sa telepono. Hmm, mukhang si Tita Tatiana iyon. Hindi pa nga pala ako nakakatawag kay Mama pero tumunog din ang aking cellphone at naupo ako sa sopa. Isinampa ko ang aking paa sa isang single sopa at iniangat iyon ni Paris para makaupo siya doon.


"Yes, Mama. Nandito na si Paris." At nag-sex na kami kagab, hindi ko lang masabi. Malaya naming nagawa at nailabas ang init ng aming mga katawan.


"Hindi ko po alam kung ano ang balak niya. Kung uuwi na ba siya o mag-aasawa? Hindi ko alam sa kanya? Bakit po ba ako ang tinatanong ninyo eh hindi naman ako ang lalaki?" Kinukulit na naman niya ako na mag-asawa na. Nagbago na nga ang ihip ng hangin. Dati, galit siya at pinagdududahan niya ako na baka nagpapatulog ako ng boyfriend ko sa bahay. Tapos ngayong nandito na si Paris, hala, ipinagduduldulan na niya akong mag-asawa at bukambibig ang mga apo. Nakatingin lang sa akin si Paris. Nakayuko siya at walang imik. Hinihintay niyang matapos ang usapan namin ni Mama dahil mag-go-grocery kami."Hay naku, Mama...kung pasasakitan lang ni Paris ang ulo ko dito, pauuwiin ko na siya. Mabuti pang mag-isa na lang ako" Isinandal ko ang aking ulo sa armrest ng sopa. Bigla na lang pumasok sa aking alaala ang nangyari kagabi at bigla akong napangiti. Hindi ko na alam kung ano ang sinabi ni Mama. Dadalaw daw sila ni Tita Tatiana this weekend.


"Bye, Mama...Paris, magba-bye ka na kay Mama..."


"Bye , Tita." Sigaw niya kasi malayo siya sa akin. Atsaka ako nakahinga ng maluwag ng ibaba ni Mama ang linya."Ano daw?"


"Hay ewan ko...Pupunta daw sina Mama at TIta Tatiana dito this weekend.Ano ba ang pinag-usapan ninyo doon bakit ka lumuwas ng Maynila?"


"Sabi ko lang naman, dito ako mag-i-stay sa iyo. Hindi ako magpapasaway. Maghahanap ako dito ng trabaho." Pati ang clinic niya sa probinsiya ay iginive-up niya para lang sundan ako dito sa Maynila. Angtindi talaga ng tama nitong si Paris."You can still do whatever you want. You can go out with your friends. You can date with other man if you want... or if your have?" At sabay kibit-balikat.


"Anong akala mo sa akin? Ganoon ba ang ginagawa ko dito sa Maynila? You can still do whatever you want lang eh wala nga akong lovelife... Ngayon lang na nandito ka,Paris. You can go out with your friends, kagabi lang ako ulit lumabas na kasama nila and I met Sadam again and I found you waiting for me. You can date with other man if you want, as if naman I have another man, who else ba? Mayroon ba talaga?" At nagdrama na naman ako. or if your have? OO,sa tingin ko nga mayroon na akong ka-date..."

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon