VIOLET'S POV
It was our Foundation in Trinity High. Big deal sa amin ang dumalo sa mga school events na minsan lang sa isang taon nangyayari dahil kakaiba din ang pakulo ng iba't ibang clubs upang maging masaya at memorable sa lahat ang araw na iyon. Huling taon na namin ito ni Max kaya talagang excited kamng dalawa.
Maaga niya akong sinundo sa bahay. Nakakulay –light blue siya ng polo, naka-neck tie pa ng kulay itim... hindi mawawala ang kanyang salamin at puting sombrero. Kulay stone washed ang kanyang pantalon at naka-brown topsider siya na SWATCH, bigay daw sa kanya iyon bilang endorser ng sapatos na iyon.
"Max, ikaw ba 'yan..." Parang nanliit ako sa suot ko. Tiningnan niya ang suot ko taas –baba. "Bakit? May mali ba sa suot ko?" Naka-maong pants din ako at nakaputing v-neck shirt topped with red checkered polo. Naka-rubber shoes ako ng kulay puti na tulad noong sapatos ni Dr. Kang Mu Yeon.
"Wow! " Nanlaki ang mga mata niya. Nakakainis ang ngiti niya. Para niya akong iniinis. "Angganda mo ngayon, Bes...May pinagpapagandahan ka na ba?" Tinitigan ko siya ng masama. Okay na sana eh. Gusto ko na ang sinabi niya na maganda ako pero yung magpaganda para sa iba, hindi ko ma-take. "Tumigil ka nga. Nakakainis ito." Patakbo akong bumaba sa hagdan. Hinabol niya ako.
"Sorry, Best. "
"Ano na naman 'yan, ha! Ang aga-aga..."
"TIta Cherry, angganda ngayon ni Violet , di ba??" Sabi ni Max. Inayos pa ang polo ko.
"Ngayon?"
"Mukhang may pinagpapagandahan..."
"E di wow..." Natawa si Mama sabay subo sa hotdog. Itinuro niya ang upuan na umupo na ako kaya hinila ko din si Max para maupo.
"Gutom lang yan, Max. Halika, kain na tayo. Ilang hotdog ang gusto mo? Di ba, favorite mo ito?" Nilagyan ko siya ng dalawang jumbo hotdog at isang itlog, dalawang pirasong tasty bread at gatas.
"WOWWW! Violet, di ako puwede. I am on a diet." Ay siya nga... Di naman siya mataba para mag-diet. Etchos pa ito, mukhang kulang pa ang inilagay ko." NOOO, I swear. I am not joking..."
"He is really on a diet, Violet. Puwede naman siyang kumain, huwag lang sobra-sobra tulad ng dati." Ah kaya pala medyo trim ang katawan niya ngayon. Mas maganda kasi bumabagay lahat ang mga damit na isuot niya.
Matapos naming kumain nagmadali na kaming naglakad. Hinila niya ang bag ko at siya na daw ang magdadala. Eh ayoko nga pero pinilit niya ako at nakipaghilahan pa siya sa akin. Sisirain pa ang bukod tangi kong bag.
"Akin na kasi...Gusto pa kasi yung pinipilit eh." Sabi pa niya. Ewan, ano bang nakain niya?
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...