MAX'S POV
Habang inaalo ko ang bata ay dumating ang doktor. Nakangiti siya kay Mavi. Hinaplos niya ang buhok nito.
"Hello, little boy. Abah, mukhang may sumpong."
"Wala kasi ako nung gumising siya."
"Kamukhang –kamukha ka ng mommy mo a..." Kasunod niya ang isang nurse. Sinuri nila ang dalawang bata. Kinuha na muna ni Mama si Mavi pagkatapos ng kanyang check up. Naka-dextrose pa rin ang dalawang bata. Atsaka kami pormal na naupo sa sopa. Kinausap ako ng masinsinan. Kapag dumadating ang doktor lagi akong kinakabahan sa mga sasabihin niya. Pero this time ay ngumiti siya at tinapik ako.
"Mr. Oliveros, masaya ako na kahit paano ay nakakangiti ka na."
"I am still worried about my wife."
"Your wife? " Hahaha, tiyak na wala akong lakas ng loob na sabihin iyon kapag gising si Violet. Sabay tawa siya.
"Yes, my wife..."Abah, lokong doktor ito at mukhang magiging karibal ko pa kay Violet. "May balak ka?" Nakakaloko lang talaga ang ngiti niya.
"Don't worry mukhang malakas ka talaga sa Diyos, Mr. Oliveros. Maybe you want to see your wife now?"
"What???" Nagulat ako. Nakalimutan ko nga palang puntahan si Violet kanina sa ICU.
"Yeah...Miss Maria Violeta Sulliven is now awake..." Niyakap ko ang doktor ng sobrang higpit ang tuwang tuwa ako sa ibinalita niya kahit may pagbabanta ang kanyang mga sinabi. Mukhang may balak siya kay Violet. Hay naku, tingnan mo nga naman. Kung kelan pa nagkakaedad itong si Violet ay saka siya nagiging ma-appeal sa mga lalaki.
Hindi ko na siya pinansin. Ang mahalaga ngayon ay gising na si Violet. Nagtatakbo ako patungo sa ikatlong palapag. Pero pagdating ko sa ICU, napahinto ako sa tapat ng pintuan. Doon na ako nagdalawang isip na magpakita sa kanya. Hawak ko na ang knob ng pinto. Aatras pa sana ako. Pagtalikod ko, nakita ko si Hill.
"Saan ka pupunta, Max?" Sinundan daw niya ako ng malaman niyang nasa ICU nga ako dahil gising na si Violet. Masaya din siya.
"Hill..." Nakayuko ako. "Parang di ko kayang harapin si Violet."
"Bakit mo palalampasin ang pagkakataon, Max? Muntik na kayong hindi magkita." Pero nagtatakbo ako papalayo. I need sometime...nagtungo ako sa chapel ng hospital para magpasalamat sa Diyos sa pagmamahal niya kay Violet at sa mga bata pati na ang pagmamahal niya sa akin.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...