FIRST EVER DATE AGAIN

28 2 4
                                        

DOC'S POV



Hindi ko alam na may magandang anak pala itong si Mrs. Sulliven. Sa tinagal-tagal kong animal doctor sa kanyang farm, ngayon lang niya nabanggit na mayroon pala siyang anak, nag-iisang anak na babae. Titser at isang writer. Nagulat ako ng makita ang babae sa loob ng babuyan. Ngiting ngiti siya habang tinitingnan ang pag-iineksyon ko ng mga biik. Tinatakpan niya ang kanyang tenga tuwing umiirit ang mga biik pero halos maningkit ang kanyang mata sa tuwa.



No doubt, wala kasi nito sa Maynila. Kaya minsan nawiwili ang mga taga-Maynila na umuwi sa probinsiya dahil sawa na sila sa paulit-ulit na buhay sa siyudad. Masyadong mabilis ang buhay at nakakalimutan nila ang magrelax. Bawat kilos doon ay katumbas ng pera. Isang malaking pakikipagsapalaran ang araw-araw na pamumuhay sa Maynila. I should know, dati akong nag-aral sa isang sikat na unibersidad sa Manila. Kahit may kotse ako, nali-late pa ako sa madalas na traffic sa kalsada.



Malaki ang kaibhan ng buhay dito sa probinsiya kaya dito ko naisip na magtayo ng Animal Clinic. Mayayaman ang tagarito. Kahit nasa probinsiya lang sila, hilig nilang mag-alaga ng tuta at dinadala rin nila sa veterinary clinic. Hindi lang mayayaman sa Maynila ang may kakayahang gawin iyon. Mas gusto ko ang buhay dito. At balak kong dito na rin makapangasawa balang araw.



Nang makita ko si Violet, naramdaman kong siya na ang babaeng para sa akin. Bagama't may mga kababaehan naman dito, wala naman akong gustong ligawan sa kanila. Na-love at first sight yata ako kay Violet. Ngiti pa lang niya ay natural ng gayuma . Hindi ko na kailangan ng love potion o magic spell because I was already under her spell.



Hindi yata niya nagustuhan na tinatawanan siya. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang nakatayo sa gilid ng baga ng nililitson na baboy. Tinalikuran niya ako at iniwan. Sayang gusto ko pa naman siyang makakuwentuhan sana ng matagal.



Nagpasya akong dalawin siya. May dala akong bulaklak na parang manliligaw lang. Mas okay na malaman niya ngayon na gusto ko siya. Alam kong nagbabakasyon lang siya at hindi ko alam kung hanggang kailan siya dito. Iba na ang maagap sa masipag.



"Wala pang boyfriend ang anak ko, Doc." Naaalala kong sabi ni Mrs. Sulliven ng bumalik ako sa likod bahay. Pero pamilyar ang kanyang mukha ng titigan ko siya. I have seen her somewhere pero hindi ko maalala kung saan.



Maaga kong sinundo si Violet. Iniisip ko na baka mabagal siyang kumilos o baka mahirapan sa pagpili ng maisusuot. Baka magselan kaya nag-aasume na lang ako na baka matagalan ako ng paghihintay sa kanya. Wala naman traffic sa baryo pero inagahan ko pa rin ang sundo sa kanya.



Sinalubong ako ni Mrs. Sulliven. Humalik ako sa kanyang pisngi tulad ng dati kong ginagawa. "Halika, pasok. Sabayan mo na si Violet. Nagmimiryenda pa lang siya. Kagigising lang kaya huwag mong inisin kasi baka biglang magbago ang isip." Sabi pa niya sa akin.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon